Mudra, pampatulog ba talaga ang mansanas? Natanong ko lang kasi ang alam ko eh pampagising ang mansanas eh. :D I could be wrong though. Just verifying.
| QUOTE (Jennifer @ Dec 27 2004, 03:12 PM) |
| Mudra, pampatulog ba talaga ang mansanas? Natanong ko lang kasi ang alam ko eh pampagising ang mansanas eh. :D I could be wrong though. Just verifying. :flyingkiss: |
ang pagkaka alam ko rin dati ay pampagising pero heto ang nakasaad sa book of Ka Ernie
Alam nyo ba na magkamukha si Soriquez at Ernie Baron, baka iisa sila supplier ng wig.
Chupacabras
Kilala at kinatatakutan ang alamat ng "chupacabras" sa Timog Amerika. Naniniwala ang mga Amerikano Latino sa alamat na ito ng isang halimaw na pumapatay umano at pumipinsala sa mga kambing at iba pang hayop sa bukirin. Kaya pagsapit ng dilim, bihira na ang makikitang mga tao sa daan.
Ayon sa mga kwento, ang chupacabras ay mistulang bampira na pumapatay sa pamamagitan ng pagsipsip ng lahat ng dugo sa leeg ng biktima. Nagmula ang salitang chupacabras sa wikang Kastila na "chupar," ibig sabihin ay "sumipsip" at "cabras," na ibig sabihin ay "mga kambing."
Ang alamat ng chupacabras ay kumalat noong nakaraang siglo mula sa Puerto Rico kung saan maraming hayop ang nabiktima umano nito.
Anang mga tao na nakakita sa chupacabras, ito ay isang malaking halimaw na mayroong kulay na abo at berde. Mayroon din umano itong kakaibang anyo dahil pinagsamang aso at pusa ang hitsura nito. Sinabi rin ng mga nakakita na mayroong mahahabang tinik sa likod ang halimaw bilang panangga sa mga kaaway. Bukod sa mga katangiang ito, ang chupacabras umano ay may kakaibang laki, liksi at lakas.
Ang mga katangiang ito ang nagtulak sa mga dalubhasa sa Timog Amerika na imbestigahan at pag-aralan ang pinagmulan at kung papaano tutugisin ang halimaw na ito.
Sagot ng siyensya at ng mga cryptozoologist, walang anumang klase ng hayop na tumutugma sa katangian ng chupacabras.
Bwelta ng mga nananalig sa alamat, maaaring ang halimaw na ito ay alien na nagmula sa ibang planeta.
Ang kwento ng chupacabras ay umabot na rin sa Mexico at karatig-bansa. Noong isang taon, nakarating din ang alamat na ito sa Chile at Argentina na siyang nagdulot ng labis na pagkatakot sa lahat, lalo sa mga bata.
Sa kabila ng mga sinasabi ng siyensya, may basehan man o wala ang kwento ng chupacabras, ang katotohanan sa pag-iingat ng mga tao ay masasaksihan tuwing pagkagat ng dilim sa mga komunidad sa Timog Amerika.
Circulatory System
Tulad ng mga sasakyan sa mga kalsada ng bawat lungsod, ang dugo ng tao ay umiikot din, pero sa loob ng katawan ng tao. Dumadaan ito sa mga ugat at mayroong natatanging ruta mula sa puso at pabalik. Ang prosesong ito ay nakapaloob sa mga sistema sa katawan ng tao at mas kilala bilang "circulatory system." Kabilang sa sistemang ito ang puso, blood vessel at dugo.
Ang dugo ay siyang nagdadala ng mga sustansya mula sa mga baga at maging sa iba't ibang bahagi ng katawan. Kasabay ng pagdadala ng sustansya, tinatanggal din ng dugo ang carbon dioxide at iba pang basura sa katawan ng tao.
Mahalaga ang tuluy-tuloy at walang patid na pagdaloy ng dugo. Ito ang tinitiyak ng puso.
Ang puso ang maituturing na dalawang bomba o pump na pinag-isa. Ang isang bomba ng puso ay nagdadala ng deoxygenated blood o dugong wala pang oxygen sa mga baga para kumuha ng oxygen.
Ang kabilang bomba ay nagdadala ng dugo na mayroon nang oxygen sa iba't ibang bahagi at tissue ng katawan.
Ang unang himpilan ng dugo ay ang right atrium ng puso. Dito, dadaan ang deoxygenated blood at dadaloy sa triscuspid valve papasok sa right ventricle.
Matapos ito, kusang magsasara ang triscuspid valve at bubukas ang pulmonary valve.
Sa pamamagitan ng pulmonary artery, dadaloy ang dugo papunta sa baga o para kumuha ng bagong karga ng oxygen. Sa pulmonary oxygen din itatapon ng dugo ang carbon dioxide na dala nito.
Makaraan ang prosesong ito, dadalhin ng apat na pulmonary veins ang dugo sa left atrium ng puso.
Sa left atrium ay papasada ang dugo sa tinatawag na bicuspid valve papasok sa left ventricle. Kasunod nito ay dadaloy ang dugo sa aortic valve papunta sa aorta.
Samantala, may dalawang openings patungong right at left coronary arteries na siyang magdadala ng dugo sa puso.
Sa labas ng puso, ang dugo ay dumadaloy mula arteries patungo sa veins sa pamamagitan ng mga capillaries sa buong katawan.
Bawat araw, ang puso ay tumitibok nang halos 1, 000 beses o mahigit sa 36 milyong beses sa loob ng isang taon.
Samantala, pitong litro ng dugo ang kayang nakakayang ibomba ng puso sa buong katawan sa loob ng isang minuto.
Sambong
Ang puno ng sambong ay maaaring matagpuan na tumutubo sa loob ng bakuran bagama't hindi ito madalas mapansin.
Ang tanong, papaano kung ito pala ang sagot sa matagal nang iniindang sakit? Kumpara sa gamot na bibilhin sa botika, hindi ba't malaking ginhawa sa katipiran?
Ang sambong ay isang halamang gamot. Noong unang panahon, ginagamit ito ng matatanda bilang gamot sa karamdaman.
Ang sambong o kilalang "Ngai Camphor" sa Ingles ay nadiskubre na mayroong kakayahang pagalingin ang mga karamdaman. Maging ang Kagawaran ng Kalusugan ay sang-ayon sa kakayahan ng sambong.
Bukod sa mabisang gamot laban sa alta-presyon at kolesterol, ang sambong ay mainam na pantunaw ng bato sa kidney. Ayon sa mga pag-aaral, nagagawa nitong pulbusin ang namumuong mga bato sa kidney at mailalabas sa pamamagitan ng pag-ihi.
Bunga ng kagalingang ito ng sambong, mayroong mga laboratoryong gumagawa ng tableta na naglalaman ng pinulbos na sangkap ng sambong. Pasado na ang prosesong ito sa Bureau of Food and Drugs.
Tiwala ang mga doktor sa tabletang sambong at inirereseta na ito ngayon sa mga pasyente.
Alam nyo ba na namatay na si ka Ernie-atake de corazon
at alam nyo ba na tila na medical mal practice umano si ka Ernie dahil nung ni laser siya ay di na check ang sugar level nya kaya nabulag ang mga mata nya.
Alam nyo ba na Pilipinas ang Tester ng Marketing ng Cellphone Co.s sa buong mundo. Pag malakas sa Pinas, yun ang pinaiikot nila globally.
| QUOTE (mang tonio @ February 03, 2006 03:35 am) |
Alam nyo ba na namatay na si ka Ernie-atake de corazon
at alam nyo ba na tila na medical mal practice umano si ka Ernie dahil nung ni laser siya ay di na check ang sugar level nya kaya nabulag ang mga mata nya. |
talaga? pero bakit di yata naging issue yan tang?
bihira ka lang sigurong umuwi