Dami ko na naging pets.
Hmm nung litol boy ako meron akong mga pet dogs:
Si Kidlat, si Kuchi-kuchi, si Boxer, atbp.
Actually meron pa nga kaming naging pet bayawak for 2 years. Pangalan namin sa kanya si Crocodile.
Tapos meron akong naging pet dog ng 1997-1998 we called him Jalosjos timing kse na kinulong yung Congressman at yun ang name na dumikit sa dog.
Tapos may pet chicken kaming salbahe kaya tawag namin sa kanya si Demonyo.
Tapos meron kaming salbaheng goldfish 2001-2004 na pumatapatay ng ibang isda sa aquarium kaya pinangalan namin sa kanya si Taliban.

as for now wala akong pet. bili ulit ako ng fish siguro next year. o kaya pagong.