Full Version : Aswang/mambabarang/ Mangkukulam/manananggal
tambayan >>Supernatural >>Aswang/mambabarang/ Mangkukulam/manananggal


<< Prev | Next >>

edz- 07-30-2006
...may mga nakakita na ba sa inyo ng mga ito?
......may mga kakilala ba kayo?
............share naman dyan.... tambayan/mf_hide.gif

edz- 07-30-2006
share ko lang itong nabasa ko sa isang site dito sa net...... (thanks to Sequel)


Sa Lagnat Namatay


Maliit lang ang barrio namin sa a***n. Bata pa ako nuon, wala pang muwang sa mga bagay bagay at pinipili pa na maglaro kesa isipin ang mga bagay na hindi ko naman maintindihan. Pero ang lahat ay malinaw pa sa isip ko.

Katulad ng ibang probinsiya, ang barrio namin e hindi naman kalakihan, nagmumukha lang malaki dahil hiwahiwalay ang bahay na halos hindi mo matanaw dahil sa lawak ng mga palayan na lumilibot sa buong barrio. Sa edad ko na iyon ay meron pa akong mga tiyuhin duon na halos kasing bata ko pa lang. Normal naman sa probinsiya ang ganuon na madamng anak ang mga pamilya. Ang nanay ko kase ang panganay kaya marami pa siyang nakababatang kapatid. Bumisita lang kaming pamilya duon.

Kalaro pa namin ng kuya ko si Tita Belen at Tito Antonio (hindi tunay na pangalan) Kuya at ate pa ang tawag ko sa kanila nuon kase hindi ko pa alam na tiyuhin at tiyahin ko sila. Ang alam ko nuon ay mga pinsan ko sila. Mga 5:30 na nuon at medyo dumidilim na.Maymga napansin kaming mga aso sa di kalayuan na mga puno ng Abaka. Tinanong ko pa nga kung kaninong mga aso iyon dahil mahilig ako kahit nuong bata pa ako sa mga aso. Kaya lang natakot ako ng makita ko na parang naglalaway at pula ang mata. Ang masama pa ay parang napakalaki nila. E kaya lang nuong bata ako ay talagang lahat ng bagay na malaki sa akin ay tingin ko ay napakalaki. Medyo parang 3 na ang mga aso kahit na nung una ay 2 lang ang nakita ko at parang ikot sila ng ikot sa mga puno ng abaka. Nang bigla kaming tawagin ng Lola ko. Hindi naman kami kalayuan sa bahay kaya ng tawagin kami ng aking lola ay nagkarerahan pa kami umuwi kaya nga nagtaka ako sa mga nangyari kinagabihan.

Nang maghahapunan na kami, parehong walang gana si Tio Tony at Tia Belen. Pinipilit pa silang pakainin ni Lola. Pero wala silang gana pareho
Nang hawakan ng sila, ang sabi niya may lagnat daw silang pareho, sabi pa ng lola ko dahil daw kung anu-ano ang pinaglalaruan namin at napagod lang daw sila kaya nilalagnat. Pinainom ng gamot ng Lola ko sila at pinatulog na. Kami naman ng kuya ko ay nasa bintana sa may likod bahay. Minamasdan namin ang malawak na palayan at ang panaka-nakang mga nagliliparan na paniki sa di kalayuan nang may napansin kaming papalapit na mga mata. Tila umiilaw ang mga mata ng mga aso na papalapit sa bahay. Hindi lang namin pinansin ng kuya ko. Sanay na rin kase kami kase may alaga din kaming aso nuon. Ang akala namin ay baka alaga lang ng kapit-bahay namin. Nagkukuwentuhan lang kami ng kuya ko. Napansin namin na paikot ikot ang mga aso sa bahay, paruot-parito. Lakad ng lakad. Tinawag na kami ng nanay at tatay ko para mahiga sa papag. Huling araw na kase namin iyon at sasakay na kami kinabukasan ng hapon ng barko pabalik ng Maynila.

Bago kami umalis kinabukasan ay kinumusta pa namin ng kuya ko si Tia Belen at Tio Tony. Medyo masigla na sila kaya natuwa kami. Nagpaalam na kami pati sa mga iba namin kamag-anak duon. Nang nasa barko ay tinigdas pa kami ng kuya ko pero ok naman ang pakiramdam ko nuon. Nahihilo kase ako sa ugoy ng barko kung kaya't halos buong oras na nasa barko kami ay tulog ako. Kahit na pagdating ko sa bahay ay antok pa din ako.

Makalipas ang isang linggo ay nalaman naming pamilya ang pagkamatay ng Tio Toni ko mg 3 araw daw matapos naming umalis, pagkatapos ay ang Tia Belen ko naman sa sumunod na 2 araw. Nakaburol daw sila ng panahong iyon. Nagtaka kami ng kuya ko kse nga masigla pa sila nang paalis kami. Nang araw na iyon dumating ang Tiyahin ko na isa na kapatid din ng nanay ko ngunit kasalukuyang nakatira dito rin sa Maynila. Hindi man ako marunong ng bisaya ay medyo nakakaintindi ako. Ang naintindihan ko lang ay "Doktor, Lagnat, Aswang". Sinabi ng nanay ko na ipinatingin naman sa doktor pero ala naman silang sakit kundi lagnat. Pero hindi binanggit ng NAnay ko ang tungkol sa aswang.

Nang tumanda-tanda na kami ng kuya ko at nakakaintindi na. Minsan ay nagka-kuwentuhan namin ang tiyahin namin na iyon. Ikinuwento niya sa amin kung anong nangyari sa dalawa naming kamag-anak. Ang sabi niya ay ipinatingin nga sila sa doktor pero ala namang sakit kundi lagnat. Pagkatapos ay, galit na galit daw ang lolo ko dahil may nakakita daw na dumaan na kapit bahay namin na may paikot ikot daw na malalaking asong pinaghihinalaan niyang aswang dahil daw malalaki,kulay itim at mapupula ang mga mata. Naalala namin ng kuya ko ang mga asong malalaki na nakita namin nung gabi bago kami umalis.

Sabi ng tiyahin ko na mga aswang daw ay nagpapalit ng anyo at nagiging malaking aso o kaya naman ay baboy. tapos daw nang tulog na ang lahat ay kinuha ang tiyo at tiya ko at pinalitan ang katawan nila ng puno/puso ng saging. Kinilabutan ako nuon dahil naiisip ko pa na kinausap ko sila bago kami umalis at pareho silang masigla. Sabi raw para malaman ang tutuo kung napalitan ng aswang ang katawan ng mga kamaganak namin ay kelangan buksan uli ang kabaong nila matapos ang ilang araw pagkatapos ipalibing o kaya naman ay ibato sa lupa ang katawan bago ilibing o kaya naman ay hilahin ang daliri kahit isa at sadyang malalaglag ito ng hindi man lang magdudugo o kaya ay walang hirap at makikita na kundi sanga ay bahagi raw ito ng puno ng saging. Sabi ng tiya ko na hindi daw ginawa ng Lolo ko pareho yun dahil mas nanaisin pa daw niya na maalala na ang mga katawan ng anak niya ang nakalibing kesa sa puno o puso ng saging o kesa isipin na kinuha ng mga aswang ang mga anak niya.

hmaritesc- 08-09-2006
ano ba yan ka edz,
don sa kabila pasumpa sumpa pa sila don,
tapos d2 aswang naman tambayan/head_hurts_kr.gif

uwi na me.....hoooy mga kapated sunduin nyo ako d2
di na po me gagala.....promise tambayan/head_hurts_kr.gif

libra_girl- 08-09-2006
QUOTE (hmaritesc @ August 09, 2006 01:02 pm)
ano ba yan ka edz,
don sa kabila pasumpa sumpa pa sila don,
tapos d2 aswang naman tambayan/head_hurts_kr.gif

uwi na me.....hoooy mga kapated sunduin nyo ako d2
di na po me gagala.....promise tambayan/head_hurts_kr.gif

akala ko atapang ka....aswang lang tambayan/birgits_giggle.gif

wooooooooooo! hayan na sya sa tabi mo tambayan/haha.gif

edz- 08-09-2006
QUOTE (hmaritesc @ August 09, 2006 01:02 pm)
ano ba yan ka edz,
don sa kabila pasumpa sumpa pa sila don,
tapos d2 aswang naman tambayan/head_hurts_kr.gif

uwi na me.....hoooy mga kapated sunduin nyo ako d2
di na po me gagala.....promise tambayan/head_hurts_kr.gif

hahahaha...takot ka? tambayan/birgits_giggle.gif

catburglar- 08-09-2006
am not sure ah..kasi ang alam ko lang nung bata pa ako..ung uncle ko lagi daw ina aswang mga maid namen sabi ng kuya ko tambayan/4_6_2v.gif

Tr@ck- 08-09-2006
naku naman catzzz...baka ibang klaseng aswang ang tiyuhin mo... tambayan/roflmaooooooooooooooooooooooooo.gif

Sabi nga nila totoo daw iyang aswang/barang/kulam at manananggal...pero ang sa kulam alam ko meron niyan. Kasi ang tatay ko daw ei namatay sa kulam. Hindi naniniwala sa ganyan ang tatay ko, kaya nang mag-kasakit siya ang dami ng doktor ang tumingin sa kanya pero in the end wala ding nangyari. Sabi ng tiyuhin ko pinakulam daw siya, kaya iyon pumanaw.

hmaritesc- 08-10-2006
QUOTE (libra_girl @ August 09, 2006 02:19 pm)
akala ko atapang ka....aswang lang tambayan/birgits_giggle.gif

wooooooooooo! hayan na sya sa tabi mo tambayan/haha.gif

tambayan/bawl.gif sa AK 45 na lang ako wag lang aswang

sis trackies dyan ka lang sa tabi ko uwi na tayo tambayan/4_6_2v.gif

hmaritesc- 08-10-2006
QUOTE (Tr@ck @ August 10, 2006 05:38 am)
naku naman catzzz...baka ibang klaseng aswang ang tiyuhin mo... tambayan/roflmaooooooooooooooooooooooooo.gif

Sabi nga nila totoo daw iyang aswang/barang/kulam at manananggal...pero ang sa kulam alam ko meron niyan. Kasi ang tatay ko daw ei namatay sa kulam. Hindi naniniwala sa ganyan ang tatay ko, kaya nang mag-kasakit siya ang dami ng doktor ang tumingin sa kanya pero in the end wala ding nangyari. Sabi ng tiyuhin ko pinakulam daw siya, kaya iyon pumanaw.

sad 2know sistah, ganyan lang buhay talaga,,
lika don sa kabila thread basahin mo na la-ang yung juks ni baklits.

libra_girl- 08-11-2006
totoo ang aswang! kasi nagkaroon ako ng isang manliligaw na aswang na muntik ng maging boyfriend ko. tambayan/birgits_giggle.gif

hmaritesc- 08-12-2006
QUOTE (libra_girl @ August 11, 2006 09:10 am)
totoo ang aswang! kasi nagkaroon ako ng isang manliligaw na aswang na muntik ng maging boyfriend ko. tambayan/birgits_giggle.gif

don nga sa bayan nyo marami pa don tambayan/head_hurts_kr.gif
ano hitsura nya pogi bah tambayan/whistle.gif
describe mo nga sis. tambayan/head_hurts_kr.gif

libra_girl- 08-13-2006
QUOTE (hmaritesc @ August 13, 2006 06:25 am)
don nga sa bayan nyo marami pa don tambayan/head_hurts_kr.gif
ano hitsura nya pogi bah tambayan/whistle.gif
describe mo nga sis. tambayan/head_hurts_kr.gif

interesado ka huh! :M&M:mula sa kanila 2hours pa ang biyahe bago makarating sa amin. kaya wala sa bayan namin noh!

May hitsura sya masipag at saka mabait. meet ko cya year 95 (one month vacation ko sa pinas noon) and then year 96 bakasyon uli ako at doon sya nagsimulang mangligaw pero hindi pa sya aswang. Year 2000 bakasyon uli ako noong ko lang nalaman na aswang na sya dahil sa sinabi sa akin ng mga relatives nya sa mother side.

Sa unang asawa ng father nya nakuha yun pagiging aswang taga somewhere along .... daw kasi, tapos nagkasakit yun first wife ng father nya at mamamatay na raw ito pero..hindi nalalagutan ng hininga hangga't hindi naibibigay ang isang bagay....

nag asawa uli yun father nya at sya ang naging second sibling sa second wife. nang mamamatay na rin ang father nya (matanda na ito) walang umaako doon sa isang bagay...para makapagpahinga na rin yun tatay nya inako nya yun bagay na yun!

Maykaya sila sa buhay, yun mga kapatid nya sa una nasa U.S nakatira ngayon at ang mga kapatid naman nya andito sa middle east. na meet ko sya sa isang University sa amin, he's taking up civil engineer.

Nakakalungkot nga eh dahil nasira yun future nya. hanggan ngayon pag umuuwi ako sa amin nagpaparamdam pa rin kaya lang ayaw ng magpakita pa.



edz- 08-14-2006
aswang talaga sya? pumapatay sya ng tao? unsure.gif

libra_girl- 08-16-2006
QUOTE (edz @ August 15, 2006 06:49 am)
aswang talaga sya? pumapatay sya ng tao? unsure.gif

hindi sya pumapatay ng tao, naghihintay lang ng isang taong maysakit na malapit ng madedo. tambayan/head_hurts_kr.gif tambayan/head_hurts_kr.gif

edz- 08-17-2006
QUOTE (libra_girl @ August 16, 2006 09:40 pm)
hindi sya pumapatay ng tao, naghihintay lang ng isang taong maysakit na malapit ng madedo. tambayan/head_hurts_kr.gif tambayan/head_hurts_kr.gif

..ay kakatakot naman yun tambayan/mf_hide.gif

Free Forum Hosting by Forumer.comTM!