Full Version : ATTENTION: Isang napakahalagang tanong
tambayan >>Religion >>ATTENTION: Isang napakahalagang tanong


<< Prev | Next >>

James307- 05-11-2009


Ito ay tanong sa lahat ng makakabasa at mag popost dito na mga forummer.

Tanong na napalahalaga at ito ay di maikukumpara o mabibili ng pera,

At ang desisyon mo ay nakasalalay sa eternal na patutunguhan mo ng kaluluwa mo.

"Langit o Impyerno" Ito ay totoo at spiritual at nais ng Diyos na malaman mo at makasiguro mo kung saan ka?

Mabuti ang Diyos pero Siya rin ay matuwid upang hatulan ang mga makasalanan at masasama.

(Paunawa: Ito ay kusang loob at nawa'y maging totoo ang yung pagsagot)

---------------------------------------------------------------------------------

Ang tanong ay:



TINATANGGAP MO BA SI HESUS BILANG IYONG PANGINOON AT TAGAPAGLIGTAS?

OO

HINDI

EWAN



------------------------------------------------------------------------------------
Juan 3:16 (Ang Salita ng Diyos)

16Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.


Juan 1:12 (Ang Salita ng Diyos)

12Datapuwat ang lahat ng tumanggap sa kaniya ay binigyan niya ng kapamahalaan maging mga anak ng Diyos. Sila ay ang mga sumampalataya sa kaniyang pangalan.


Juan 3:18 (Ang Salita ng Diyos)

18Siya na sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan. Ang hindi sumasampalataya ay nahatulan na sapagkat siya ay hindi sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos.


Mga Gawa 16:30-31 (Ang Salita ng Diyos)

30Inilabas niya sila at sinabi: Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?


31Sinabi nila: Sumampalataya ka sa Panginoong Jesucristo at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.


Mga Taga-Efeso 2:8-9 (Ang Salita ng Diyos)

8Ito ay sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito ay hindi sa inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos. 9Ito ay hindi dahil sa gawa upang hindi magmalaki ang sinuman.


Kay Tito 1:2 (Ang Salita ng Diyos)

2Mayroon akong buhay na walang hanggan na nakabatay sa pag-asa. Ito ay ipinangako na ng Diyos na hindi makapagsisinungaling, bago pa sa pasimula ng panahon.


------------------------------------------------------------------------------------


(Note: Ang tunay na mananampalataya ni Hesus at totoong Kristiano ay malalaman mo sa kanilang mga bunga)

Thank you for answering and God bless!









bombshella- 05-13-2009
Wala namang di aamin na tinanggap nya si Hesus, lahat e tinatanggap sya, ang taong,

taos ba sa Puso nyo ang Pagtanggap nyo kay Hesus bilang personal Savior, o nakiki sawsaw lang kayo para masabing born-again, trending lang!

Dapat isapuso si Hesus at di sa salita!

Lord Stephen- 05-17-2009
Hindi..

James307- 05-19-2009
As i said na ang tunay na sumampalataya ay may bunga na matuwid, dahil you have faith in Him that's why you follow Him and called as a True Christian.

Abu Muhammad- 06-18-2009
Isa sa mis-konsepsiyon sa pananampalatayang Islam na laganap sa pamayanang Kristiano ay ang pag-kakilala kay Hesus . Marami ang nagsasabi na ang mga Muslim ay hindi nanininwala kay Hesus. Ngunit ang lahat ng ito ay walang katotohanan, bagkos hindi ganap ang pananampapalataya ng isang Muslim kung mayroon siyang hindi paniniwalaan sa mga pinadala ni Allah mula sa mga Propeta, mula kay Noah. Abraham, Moises, Solomon at hanggang kila Hesus at Muhammad (suma kanila nawa ng pagpapala at kapayapaan).

Kinikilala ng mga Muslim si Hesus bilang isa sa Dakilang Propetang pinadala ni Allah para sa bayan ng Israel. Naniniwala rin ang mga Muslim sa mga himalang ginawa ni Hesus na ito’y galing mula kay Allah. Gayon din ang paniniwala ng mga Muslim na si Hesus ay ang Mesaiah at magbabalik bago magwakas ang panahon upang i-hayag ang katotohanan ng Islam at puksain ang tunay na anti-kristo.

Kaya ganoon na lamang ang pagmamahal ng mga Muslim kay Hesus dahil sa siya ang maghahayag ng katotohanan ng Islam pagdating ng panahon, at dahil sa utos sa amin ni Allah na bigyan siya ng sapat na pagmamahal at pag-galang bilang dakilang Propeta. Kaya’t walang isang Muslim na hindi magbibigay ng buong pag-galang at pagmamahal kay Hesus at higit pa sa nagsasabing tagasunod sila ni Hesus. Dahil ang tunay na tagasunod ni Hesus ay ang mga taga-sunod ng tunay na Diyos at hindi taga-sunod ng kultura o bulaang relihiyon na sumasamba sa mga rebulto at pipiliting yaon si Hesus. Isa itong hayagang pagwawalang galang at pagmamahal para sa Propeta ng Diyos at gawaan ito ng iba’t-ibang imahen ng larawan bilang basketbolista, jeepney driver at iba pang kakatwang hitsura.

Ang iba ay kay Hesus pa ipatutubos ang kanilang mga kasalanan at ipagpipilitang i-pinako si Hesus sa krus na parang masaya pa silang nahirapan si Hesus sa krus dahil sa taon-taon nila itong pinag-diriwang. At dahil pa dito ay sinasabi nila na ligtas na sila mula sa kaparusahan mula sa kanilang pag-inom ng alak, pakiki-apid at mga kalaswaan (na ngayon ay laganap sa mga bansang kristiano) at iba pang kasalanan, pagkatapos ay sila pa ang magpapakalat na ang mga Muslim ang hindi naniniwala kay Hesus, samantalang buong buhay ng isang tunay na Muslim ay walang inatupag kundi gayahin ang mga pamamaraan ng mga Propeta at sumamba sa iisang Diyos na pinakilala ng mga Propeta.

Ang mga Muslim lamang ang kumikilala kay Hesus ng sapat at tama, hindi sobra at hindi rin kulang. Kinilala siya ng mga Muslim kung paano siya i-pinikilala ni Allah. Ang mga Kristiano ay kinilala siya ng sobra sa kanyang katangian tulad ng pagiging diyos at tagapagligtas na taliwas sa kanyang katuruan na ang buhay na walang hanggan ay makakamit kung kikilala lamang sa iisang Diyos at siya ay kilalanin bilang Propeta. At gayun din naman ang mga Hudyo na kinkilala si Hesus bilang bulaan kaya ang pagmamalaki at pag-aakala nilang na-ipako nila si Hesus sa Krus. Ngunit ang mga Muslim ay matatag sa kanilang paninindigan kung sino ang tunay na Hesus, dahil ang naghayag sa mga Muslim hinggil kay Hesus ay ang mismong lumikha at nagsugo kay Hesus, at hindi ang mga kuro-kuro ng mga naglalabasang mga Pastor na mangmang sa tunay na Relihiyon at mga Hudyo.


Forumer™ is Voted #1 Free Forum Hosting provider
Build your own community today with the largest message board hosting company.