Full Version : Biblia Salita ba Talaga ng Diyos? Part 1
tambayan >>Religion >>Biblia Salita ba Talaga ng Diyos? Part 1


<< Prev | Next >>

Abu Muhammad- 06-15-2009
Ang Biblia ay mula sa salitang Griego na ang pakahulugan sa Tagalog ay “mga aklat” o lipon ng mga aklat. Ito ay binubuo ng 72 na mga aklat, mula Luma hanggang sa Bagong Tipan. Ito ay sulat ng iba’t-ibang may-akda sa iba’t-ibang panahon na pinaniniwalaan na may inspirasyon mula sa Espirito Santo. Ngunit ang argumentong ito ay walang sapat na katibayan mula sa mga Iskolar na mismong nagtipon sa mga ito. Gayundin ay wala silang sapat na katibayan na ang mga sulat na natagpuan ay mula nga mismo sa mga Propetang pinadala ng Diyos. Gayunpaman, sa pagsibol ng Protestantismo ay inalis nila ang ilang aklat mula sa Biblia na tinawag na “Apokripa” at naging 66 aklat na lamang ang natira na ngayon ay siyang ginagamit ng halos lahat ng sektang Kristiyanismo.

At sa ating panahon ay napakarami ng beses na na-irebesa ang Biblia ayon narin sa mga pag-amin ng mga Iskolar na nagsalin nito hinggil sa mga kamalian. Ayon sa Preface ng isang bersyon ng Biblia na R.S.V (Revised Standard Version of the King James Version)… The King James Version has with good reason been termed “the noblest monument of English prose”. Its revisers in 1881 expressed admiration for it’s simplicity, it’s dignity, it’s power, it’s happy term of expression… the music of its cadence, and the facilities of its rhythm… We owe to it an incalculable dept… Yet the King James Version HAS GRAVE DEFFECTS… that these defects are so many and so serious as to call for REVISION. R.S.V 1971. At bukod pa dito ay marami pang Iskolar ang nagsalin ng Biblia at pagkatapos ay ini-rebisa dahil sa mga pagkakamali at mga situwasyon.Kaya lumabas ang maraming salin at bersyon ng Biblia na ang lahat ng mga ito ay may natatanging pagkakaiba at salungatan ayon narin sa pag-amin ng mga nagsalin at mga Iskolar. At sa dami ng uri ng Biblia ay wala ditong saktong magkatulad. Kaya’t ito ang pinagmulan ng pagkakaroon ng napakaraming sekta at grupong Kristiyanismo na nagkakaiba ang aral, doktrina at pananampalataya na naging sanhi ng kaguluhang pang-relihiyon sa loob ng Kristiyanismo nitong nakalipas na siglo. At lahat sila ay nagsasabing sila ang tunay, ngunit sino ang kayang magsabi? Gayon ang orihinal na texto ng Biblia ay wala na.

To Be Continued...



Forumer™ is Voted #1 Free Forum Hosting provider
Build your own community today with the largest message board hosting company.