Ewan. Para sa akin hindi na mahalaga kung may dios o langit o impyerno o kung sino mang poncio pilato. Sakit lang ng ulo yan pag iisipin. Wala naman talagang may hawak ng anyo o depinisyon ng dios eh. Sabi ng muslim si ganito raw ang dios, sabi ng born again si ganito raw at ganun daw ang pagiisip ng dios. Sabi ng katoliko 3 daw ang pagkatao ng dios pero isa rin daw lang yun; sabi ng Iglesya ni Kristo huwag daw maniwala sa katoliko, sabi naman ng Ang Dating Daan huwag maniwala sa Iglesya ni Manalo.

Kung walang katapusan ito, ano pa ang saysay? Masyadong magulo ang larangan ng dios. Siguro dapat ipagpasaloob na lang natin. Nasa puso naman natin ang dios eh, hindi ba? Tayo lang ang makakaalam ng kahulugan ng dios sa sarili natin.
Pwede na bang pang Famas?