| QUOTE (Madam Claudja @ Aug 25 2004, 05:25 AM) |
| Dun sa mga di naniniwala sa Diyos, paano kayo lumitaw sa mundong ito ng walang lumikha sa inyo, ask ko lang? |
| QUOTE (kelot_ni_balot @ Aug 25 2004, 12:06 PM) | ||
Yes Tell us how...even Darwin cannot prove how he was born... I can question a man...but never question God....the ever omnipotent ONE..... |
| QUOTE (labguy @ Aug 25 2004, 12:47 PM) | ||||
Madam and Kelot, ...I ask again, are you sure you want to touch this question and are you confident that your reason/basis holds water? If I debunk your reason, would you abandon your faith? *Sigh* Must....resist....temptation. Hit delete! Hit delete! |
| QUOTE |
| Is this a threat or what? Are you into recruiting or brainwashing? |
| QUOTE |
| Are you sure you didn't quote from the book or some documents? Just asking. |
| QUOTE |
| Basta sagutin mo ang itinatanong ko at pwede pakitagalog. |
| QUOTE |
| Dun sa mga di naniniwala sa Diyos, paano kayo lumitaw sa mundong ito ng walang lumikha sa inyo, ask ko lang? |
| QUOTE (labguy @ Aug 26 2004, 01:17 PM) | ||||
Okay, susubukan ko.
Ang original na tanong ay “Do you believe in God?”, dba? Ngayon ang mensahe ng tanong mo sa mga hindi naniniwala sa Dios, “Kung walang Dios, paano kami lumitaw ng walang lumilikha sa amin?” Hindi mo ba napapansin ang tanong mo? Ina-assume or assert mo na kaagad na Dios talaga ang lumikha sa amin or sa lahat! Hindi pa naman nae-establish yun, dba? Base lang sa paniniwala mo na Dios ang lumikha o na may Dios nga. Ang tanong mo kasi, maihahalintulad sa isang suspect na ini-interrogate ng pulis ng tanong na “Saan mo tinago ang ninakaw mong singsing?” Suspect pa lang yung tao, hindi pa napapatunayan na nagnakaw nga siya ng singsing, pero ang tanong ay naglalaman na guilty na agad yung suspect. Ngayon, paano mo sasagutin ang mga ganyang tanong? May sinabi ba kami na walang lumikha sa ating lahat? Mayroon ngang lumikha o nakalikha sa atin, pero nangangahulugan ba na “Dios” iyon? Kung lahat ng bagay ay may lumikha, sino ang lumikha sa Dios? Siguro mas magandang tanong ay "May lumikha ba sa atin?" Ang sagot ko, oo, mga magulang natin. Tapos ang susunod na tanong ay "Dios ba ang lumikha sa ating lahat?" Ang sagot ko: "Hindi ko alam". Kung ikaw ang tatanungin, malamg ang sagot mo ay "Oo, ang Dios ang lumikha sa ating lahat". Ngayon, ano ang batayan mo sa ganyang sagot? Ito ba ay dahil lahat ng bagay ay may lumikha? Kung ganoon, paano nito napapatunayan na Dios nga ang lumikha? Nasaan ang batayan na nagtuturo na ang Dios nga ang lumikha? At kahit ilang beses mo pang sabihin sa sarili mo na lahat ng bagay ay may lumikha at ang Dios ang lumikha ng lahat ng bagay, sino ang lumikha sa Dios? Hindi ba masasagot mo lang ito sa iyong pananampalataya sa Kanya? Dahil iyon ang iyong paniniwala? Kaya nga sinabi ko kay Eraserheads na dapat namin intindihin kayong mga naniniwala sa Dios at sinuggest ko sa inyo ni Kelot na irespeto na lang natin ang ating mga paniniwala, dahil dito rin naman mapupunta ulit ang pagtatalo, hindi ba? |
| QUOTE |
Batayan Ko Bible, at sa Bible ang God ay walang Beginning at Walng End, kaya nga Diyos e, pero another thing, if you don't believe in the Bible, walang usapin o pagtatalo dito, at least may batayan ako o kami. Kaysa sa opinyon lamang na batayan ang sariling pagiisip. |
| QUOTE |
Anyway, I got your point, so OK na. Sabi mo nga irespeto na lang natin ang ating paniniwala, so, this will put a period on this. |
| QUOTE (maxtomax @ Aug 26 2004, 08:02 AM) |
| Sabi ni Labguy: [May sinabi ba kami na walang lumikha sa ating lahat? Mayroon ngang lumikha o nakalikha sa atin, pero nangangahulugan ba na “Dios” iyon?] Naniniwala ka pala sa depinisyon niya (lumikha sa ating lahat), pero di ka naniniwala sa may ari ng depinisyong ginamit mo. Sa madaling salita yung pinaniniwalaan mong lumikha sa iyo, iyon po ay ang iyong Diyos maging ano man ang kalagayan niya. Sabi ni Labguy: [Kung lahat ng bagay ay may lumikha, sino ang lumikha sa Dios?] Hindi po isang bagay ang Diyos. Ang Diyos po ay Diyos. Salamat. |
| QUOTE (pakuwan @ Aug 26 2004, 08:30 AM) |
| naniniwala ako sa dyos.. pero in doubt ako sa religion. |
| QUOTE |
Three blind men were touching an elephant. The first blind man was holding the elephant's leg. He said, "I think an elephant is like the truck of a great tree." The second blind man disagreed. While holding the elephant's trunk he said, "I believe an elephant is like a large snake," The third blind man believed they were both wrong. "An elephant is like a great wall," he exclaimed. He was touching the elephant's side. Each blind man was convinced he was right and others were wrong without ever realizing they were all touching the same elephant. Some believe the blind men in this parable represent the major religions of the world, each in contact with the same "elephant" without knowing it. |