(Please read and understand, give time for a cause and I am gladly to accept any comment or question after reading)
Ito siguro ang isa pinakamahalagang tanong ng bawat tao sa mundo, saan mang dako.
At napakahalaga na malaman ang sagot at magkaroon ng direksyon sa buhay upang mapabuti kahit na lahat ay iba- iba man ang kulay, salita o tradisyon at relihiyon ng bawat lahi.
Para sa aking bilang indibidual na tao na ang rason kung bakit ako nabubuhay at dapat mabuhay ay dahil sa Diyos na lumikha, gumabay at nagligtas sa akin, dahil sa mga tao (Pamilya, kaibigan at pamahalaan) Sarili ko na (mabuhay ng simple, normal at masaya) at para sa aking Iglesia o Simbaan (Ang misyon at pag- grow ko Spiritually).
At para sa akin ang maging lingkod ay dapat maglingkod at ito ay isang dakilang gawa sa Diyos at para sa tao…
Ang mabuhay upang ganapin ang bawat tungkulin mga responsibilidad, gawin ang bawat plano at tuparin ang bawat pangarap mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda.
Ikaw may purpose ka ba sa buhay mo ngayon? Nakakalungkot na maraming tao ay naligaw ng landas at napahamak sa bawat maling desisyon na nagbunga na maliit o malaking pagbagsak.
At nakikita natin ang realidad sa bawat kasaysayan dahil sa mga halimbawa nito, Ang mga naging korupt na pulitiko (magnanakaw sa taong bayan), ang mga sindikato at wala sa tamang pag iisip na nakapatay, mga magnanakaw dahil gipit o dahil gustong makuha ang gusto nila o maging ang mga nakapatay na aksidente, prostitusyon na nakarumi sa pagkatao kaya rin kumalat ang aids, droga na sumira ng kinabukasan at terrorismo na sumira ng maraming buhay dahil sa pagrerebelde sa pamahalaan.
Lahat ng ito ay naging dahilan ng pagkasira at pagkawasak ng maraming buhay noon at ngayon at ito ay mga halimbawa ng mga taong walang purpose sa buhay nila o nawalan ng purpose sa kanilang buhay dahil sa kagipitan?
May sulusyon pa ba? Para maituwid ang mga pagkakamali at malimutan ng tuluyan na burahin ang mga masasamang nakaraan, malamang mahirap makamit ang pagbabago? Dahil maraming panahon ang kailangang gugugulin.
Pero masdan at matuto sana tayo sa mga may kapansanan na positibo ang pag iisip, sa mga may malulubhang karamdaman na gustong mabuhay ng matagal, sa bawat araw sila ay nabubuhay ng may ngiti at pag-asa ng kasiguraduhan sa kanilang mga buhay, ang mga mahihirap na nagsisikap para guminhawa, ang mga inaapi na na nagpapatuloy lang at di gumaganti, ang mga mabubuting tao na gumagawa ng tama ng walang anumang kapalit, ang mga alipin na tapat na naglilingkod sa kanilang mga pinaglilingkuran.
Sila alam ko ay mapapaladat at dapat gawing mga mabubuting halimbawa…
Kaya maraming tao na naghihirap ay dahil sa kasalanan at kasamaan na nagdudulot ng parusa at sumpa sa bawa bansa at lahi hanggang sa susunod pa na henerasyon ay nadamay.
Sa napakaraming tao sa mundo na makasarili (nagbubulag- bulagan, nagbibingibingiha), mga makasarili (iniisip lang ang sariling kapakanan), mga taong may crabmentality (na imbis na tulungan makaangat ang kapwa at binababa pa), at mga taong mahilig mag criticized sa mga taong gumagawa ng tama pero pag sila ay gumagawa ng mabuti ay pawang pakitang tao lamang para sa kanilang mga pansariling interest.
Kailangan natin ng tunay na pagbabago, kasiguruan ng ating mga kaluluwa na tanging pananampalataya kay Hesus na namatay sa krus para sa iyo at sa akin, (Ang daan sa langit Siya ay tanggappin at papasukin sa iyong puso bilang Panginoon at tagapagligtas), demokrasya sa pagkakaisa ng bawat tao at pag- ibig sa kapwa para sa kapayapaan ng kalooban at bawat bayan.
Tamang relihiyon? - Tamang doktrina! Maunlad na bansa? –Malinis na kandidato!
Tunay na pagbabago na magmumula una sa ating mga sarili bilang pagmamahal sa ating bayan.
Bilang mga tunay na Filipino at Kristiano! – Purihin ang Diyos at Mabuhay ang Pilipinas!
Salamat sa iyong oras kaibigan at God bless! (Please pass this to everyone to our love ones and fellow pinoy and pinays)…
Philippines for Jesus!
Message from: Beulah land Baptist Church Author and Written by: James M. Gutierrez 09-15-09/ 4:00PM/A.C. Pampanga, Philippines. Second revision of General life discussion from Pinoy forum Visit: www.James307.blog.com for more info.
<END>
Forumer™ is Voted #1 Free Forum Hosting provider
Build your own community today with the largest message board hosting company.