Isa sa mis-konsepsiyon sa pananampalatayang Islam na laganap sa pamayanang Kristiano ay ang pag-kakilala kay Hesus . Marami ang nagsasabi na ang mga Muslim ay hindi nanininwala kay Hesus. Ngunit ang lahat ng ito ay walang katotohanan, bagkos hindi ganap ang pananampapalataya ng isang Muslim kung mayroon siyang hindi paniniwalaan sa mga pinadala ni Allah mula sa mga Propeta, mula kay Noah. Abraham, Moises, Solomon at hanggang kila Hesus at Muhammad (suma kanila nawa ng pagpapala at kapayapaan).
Kinikilala ng mga Muslim si Hesus bilang isa sa Dakilang Propetang pinadala ni Allah para sa bayan ng Israel. Naniniwala rin ang mga Muslim sa mga himalang ginawa ni Hesus na ito’y galing mula kay Allah. Gayon din ang paniniwala ng mga Muslim na si Hesus ay ang Mesaiah at magbabalik bago magwakas ang panahon upang i-hayag ang katotohanan ng Islam at puksain ang tunay na anti-kristo.
Kaya ganoon na lamang ang pagmamahal ng mga Muslim kay Hesus dahil sa siya ang maghahayag ng katotohanan ng Islam pagdating ng panahon, at dahil sa utos sa amin ni Allah na bigyan siya ng sapat na pagmamahal at pag-galang bilang dakilang Propeta. Kaya’t walang isang Muslim na hindi magbibigay ng buong pag-galang at pagmamahal kay Hesus at higit pa sa nagsasabing tagasunod sila ni Hesus. Dahil ang tunay na tagasunod ni Hesus ay ang mga taga-sunod ng tunay na Diyos at hindi taga-sunod ng kultura o bulaang relihiyon na sumasamba sa mga rebulto at pipiliting yaon si Hesus. Isa itong hayagang pagwawalang galang at pagmamahal para sa Propeta ng Diyos at gawaan ito ng iba’t-ibang imahen ng larawan bilang basketbolista, jeepney driver at iba pang kakatwang hitsura.
Ang iba ay kay Hesus pa ipatutubos ang kanilang mga kasalanan at ipagpipilitang i-pinako si Hesus sa krus na parang masaya pa silang nahirapan si Hesus sa krus dahil sa taon-taon nila itong pinag-diriwang. At dahil pa dito ay sinasabi nila na ligtas na sila mula sa kaparusahan mula sa kanilang pag-inom ng alak, pakiki-apid at mga kalaswaan (na ngayon ay laganap sa mga bansang kristiano) at iba pang kasalanan, pagkatapos ay sila pa ang magpapakalat na ang mga Muslim ang hindi naniniwala kay Hesus, samantalang buong buhay ng isang tunay na Muslim ay walang inatupag kundi gayahin ang mga pamamaraan ng mga Propeta at sumamba sa iisang Diyos na pinakilala ng mga Propeta.
Ang mga Muslim lamang ang kumikilala kay Hesus ng sapat at tama, hindi sobra at hindi rin kulang. Kinilala siya ng mga Muslim kung paano siya i-pinikilala ni Allah. Ang mga Kristiano ay kinilala siya ng sobra sa kanyang katangian tulad ng pagiging diyos at tagapagligtas na taliwas sa kanyang katuruan na ang buhay na walang hanggan ay makakamit kung kikilala lamang sa iisang Diyos at siya ay kilalanin bilang Propeta. At gayun din naman ang mga Hudyo na kinkilala si Hesus bilang bulaan kaya ang pagmamalaki at pag-aakala nilang na-ipako nila si Hesus sa Krus. Ngunit ang mga Muslim ay matatag sa kanilang paninindigan kung sino ang tunay na Hesus, dahil ang naghayag sa mga Muslim hinggil kay Hesus ay ang mismong lumikha at nagsugo kay Hesus, at hindi ang mga kuro-kuro ng mga naglalabasang mga Pastor na mangmang sa tunay na Relihiyon at mga Hudyo.
curious_gurl- 07-26-2009
kami pong mga Kristyano ay naniniwala s Biblia...kung s mga Muslim si Hesus ay propeta, ang ibig pong sabihin ay hindi kayo naniniwala s Bible...n siyang ngsasabi n si Hesus ay anak ng Diyos Ama, kung gayon..ano po ang basehan nio n hindi totoo ang bible?.
Forumer™ is Voted #1 Free Forum Hosting provider
Build your own community today with the largest message board hosting company.