Noong 1991 sa lugar namin sa Obando, Bulakan, minsan bisperas ng Holoween noon, ako at ang tatay ko together with some of the bagets na aming kapitbahay at mga pinsan ko, naisipan naming gumawa ng gimik na matatakot ang lahat ng dadaan sa iskinita namin.
Una, naghanda kami ng itim na sinulid.....tapos pulang kandila....tapos siyempre kakutsaba ang mga kapit-bahay...itinali namin ang sinulid paikot doon sa puno sa looban namin hanggang doon sa bayabasan ng kapitbahay...pinatay namin ang street lights...tinali ang kandila sa sinulid na itim...sinindihan..tapos dahan...dahan..hihilahin namin ang tali...lalakad ang kandila na sindido...sa dilim...tinataon namin na may mga naglalakad sa iskinita....puro tili ang naririnig namin

....bwa..ha...ha..enjoy kami.noon