Bakit ang mga taong nagiging bahagi ng isang milagro ay laging mahihirap? Kung hindi isang pobre o dukha, isang abang tao at salat sa yaman ang kadalasang nakararanas ng himala o milagro. Nariyang makita ang imahen ni Santa Maria o dili kaya e magkaro'n ng katangiang manggamot ng kapwa tao dahil sinaniban ng ganito't ganireng espiritu, atbp. Subali't kung iyong susuriing mabuti, sila ay mga taong maituturing nating mismong may 'kapansanan' rin dahil sa estado nila sa buhay. Hindi kaya gutom lang ito?
Bakit hindi magkaro'n ng himala sa mga taong kagaya halimbawa ni Lucio Tan o ni Danding Cojuangco o dili kaya ni Mike Arroyo? Biruin mo, hindi ba kagila-gilalas kung isang araw magiging manggagamot si Henry Sy ng mga taong may kapansanan dahil nagpakita sa kanya ang isang banal na Espiritu o kung anoman 'yon? Hindi ba kahanga-hanga na magisnan natin na si Mother Lily ay nanghihilot na lamang dahil ito ay hinabilin sa kanya ni Mama Mary sa isang pananginip? Posible ba 'yon?
Sey n'yo?
Aling Pooky- 08-20-2004
Himala?
Watch David Blaines Magic or Eric Mana.
May sa impakto yata ang mga taong yan e.
edz- 10-17-2004
naitanong ko na nga rin yan sa sarili ko e
huckfinn- 03-08-2007
actually marami ding mga mayayaman na naniniwala sa himala at milagro at marami ding mahihirap na hindi naniniwala sa mga ganyang bagay masyado silang praktikal katulad ng tatay ko.
Forumer™ is Voted #1 Free Forum Hosting provider
Build your own community today with the largest message board hosting company.