Full Version : New Panatang Makabayan
tambayan >>Education >>New Panatang Makabayan


<< Prev | Next >>

jam- 09-02-2006
napanood ko sa GKNB..iba na ang words ng Panatang makabayan... paki post naman o.. tambayan/hands.gif

ShYgurl- 09-03-2006
QUOTE (jam @ September 02, 2006 04:46 am)
napanood ko sa GKNB..iba na ang words ng Panatang makabayan... paki post naman o.. tambayan/hands.gif

kit pinalitan daw? tambayan/4_6_2v.gif edi d na orig yun? smile.gif

teka d ko pa nga memorize ang panatang makabayan na yan meron na nman iba? tambayan/birgits_giggle.gif tambayan/birgits_giggle.gif biggrin.gif

inintsik- 09-04-2006
d orig panatang makabayan...sorry po, di ko rin kabisado yan ngayon, kinopya ko lang....sino ang magpo-post ng bagong version daw?...

chinito tambayan/schmoll.gif


PANATANG MAKABAYAN

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang

Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
sa isip, sa salita, at sa gawa


catburglar- 09-04-2006
QUOTE (inintsik @ September 04, 2006 09:47 am)
d orig panatang makabayan...sorry po, di ko rin kabisado yan ngayon, kinopya ko lang....sino ang magpo-post ng bagong version daw?...

chinito  tambayan/schmoll.gif


PANATANG MAKABAYAN 

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
 
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
sa isip, sa salita, at sa gawa

what's wrong with this one? tambayan/4_6_2v.gif bakit kelangan pa baguhin? tambayan/chair.gif ganda nga ng wording's eh tambayan/b010.gif tenks tol tambayan/cheers1.gif

edz- 09-04-2006
The Old Version:

1. Iniibig ko ang Pilipinas.
2. Ito ang aking lupang sinilangan.
3. Ito ang tahanan ng aking lahi.
4. Ako’y kaniyang kinukupkop at tinutulungan, upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang.
5. Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
6. Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan.
7. Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.
8. Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan.
9. Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino, sa isip, sa salita, at sa gawa.

----------------------------------------------------------------------

Now, the new version:

1. Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan,
2. Tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungang
3. Maging malakas, masipag at marangal
4. Dahil mahal ko ang Pilipinas,
5. Diringgin ko ang payo ng aking magulang,
6. Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan,
7. Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan,
8. Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal nang buong katapatan.
9. Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
10. Sa bansang Pilipinas.

jam- 09-05-2006
thanks merdz.. tambayan/spoton.gif
umiksi ah...

madaku_mobutu- 09-05-2006
Now my own take:

Ako'y Pilipino kahit saan ako ilagay sa mundo
At ang Pilipinas ang katutubong tahanan ng aking lahi
Sisikapin kong alamin ang katotohanan
Ng ating kasaysayan & kalagayan
Sa pamamagitan ng masusi & makatotoong pagsusuri & pag aaral
At hindi sa mangmang na pagtanggap ng mga inihain
Ng anumang paaralan, ng sinumang dalubhasa,
Ng kahit sinong tagapagbalita & medya lokal man o banyaga
Maasahan mo sa akin, di ako mangsisisi o magrereklamo lamang
Kung di mag handa ng mungkahi sa ikabubuti ng lahat
Hindi ako aasa na ibigay o gawin ng iba
Ang mga bagay na kung ako mismo ay di kaya.
Nguni't handa ako laging tumulong sa kapwa
Na kahit anong pagsikap ang gawin,
di niya pa rin kayang tulungan ang sarili.
Sisikapin kong makihalubilo sa kapwa sa pamamagitan
Ng isip, salita, gawa & mas higit pa, sa halimbawa
Upang maipagmalaki sa buong daigdig
Pilipino ako & nakikiisa sa inyo.

lieviguoyxes- 10-31-2006

"Dahil mahal ko ang Pilipinas,"

why do they have to put this words?di pa ba sapat yung panatang makabayan?nonsense words for me.nkakarami lang sa mga kakabisaduhin nang mga bata.

dun pa rin ako sa orig

Forumer™ is Voted #1 Free Forum Hosting provider
Build your own community today with the largest message board hosting company.