| QUOTE (Madam Claudja @ Dec 16 2004, 06:43 AM) | ||
Nagsenyasan lang kaya nga sila nagpatayan, nag dirty finger yata si Magellan kay Lapu Lapu e nahingi lang yata ng sigarilyo si Lapu Lapu e iminostra ni Magellan e middle finger ang nagamit ayun, paktay mwahahahahhahahhaaah |
| QUOTE (J8'd @ Dec 18 2004, 12:32 PM) | ||
Hindi pa ba uso translator? |
| QUOTE (==Miz_KitA== @ Dec 18 2004, 01:24 PM) | ||||
bakit? .. mag a apply ka? |
| QUOTE (edz @ Sep 15 2005, 08:58 AM) |
| *andito na ang kasagutan sa tanong kung paano nagkaintindihan si Magellan at Lapu-lapu 26,000 - 24,000 SN, may tao na sa Pilipinas. 9,000 - 8,000 SN, nasa Pilipinas ang mga magdaragat [Austronesians]. 3,300 SN, nagsimulang humiwalay ang iba't ibang wikang katutubo mula sa isang ninunong wika. 2,100 SN, nagsimulang mabuo ang wikang Tagalog, Visaya at Manobo mula sa humiwalay na mga wika. 600, nagsimula ang kalakal ng makalumang porselana mula China; 300 taon pa bago nagkalakal ng tunay na porselana. 1001, dumating sa China ang mga sugo [ambassadors] mula Butuan. 1200, nagsimulang maging tangi ang wikang Tausug mula sa wikang Butuan. 1380, unang dating ng mga muslim [Moro ang tawag ng mga Espanyol] upang magturo ng Islam sa Pilipinas, sa pulo ng Simunul, Tawi-Tawi, sa kanluran ng Mindanao. 1450, itinatag sa Sulu ni Abu Bakr ang unang kaharian [sultanate] ng Muslim. 1492, narating ni Cristobal Colon [Christopher Columbus] ang America, pinagkamalan niyang India. 1494, kasunduan [treaty] sa Tordesillas, pinaghatian ng Portugal at Espanya ang daigdig. 1511, sinakop ng mga Portugis ang lungsod ng Malacca, sa Malaysia. Isa sa mga napalayas ay ang maharlikang pamilya ng binatang Mohamed Kabungsuwan, na nagtayo ng kahariang Muslim sa Cotabato. Narating ni Fernando Magallanes [Ferdinand Magellan] ang kapuluan ng Maluku [Moluccas, the spice islands] sa Indonesia, matapos bagtasin ang Indian Ocean, kasama ng mga Portugis na nagtayo ng himpilan at kalakal sa pulo ng Ternate. 1521, Mar 17, narating ni Magallanes ang kapuluan ng Pilipinas matapos bagtasin ang Pacific Ocean. 1521, Abr 27, napatay si Magallanes ng mga sandatahan ni Lapu-Lapu sa pulo ng Mactan, sa Visayas. 1522, Sep 6, nakabalik sa Espanya si Sebastian del Cano, kasamahan ni Magallanes, matapos umikot sa daigdig. 1524, unang pag-ani sa Pilipinas ng mais na dala ni Magallanes. 1526, dumating si Juan Garcia Loaysa mula Espanya, umiwas sa Mindanao at nagtuloy sa Maluku. 1528, narating ang Surigao, sa Mindanao, ni Alvaro Saavedra de Ceron mula Mexico; nagtuloy sa Maluku. 1543, narating ni Ruy Lopez de Villalobos ang Pilipinas mula Mexico; bininyagan ang mga kapuluan sa Leyte, Visayas, ng Islas del Felipinas bilang parangal kay Felipe 2, tagapagmana ng kaharian ng Espanya. 1553, naging hari ng Espanya si Felipe 2. |
| QUOTE (catburglar @ Sep 15 2005, 08:31 AM) |
| galing talaka ng buddy ko |