Sa nabasa kong history books, na kakaiba sa nabasa nating lahat tungkol sa nangyari kina Magellan at Lapu-lapu ay medyo magkaiba.
Sa bersyon na ito ang sabi ay si Lapu-lapu ay hindi Cebuano, kung hindi ito ay taga Borneo, isang taga Borneo na may kaalaman sa pakikidigma at pamumuno ng isang tribo.
Itinalaga siya dito bilang taga bantay ng mga pumapasok na mga dayuhan at taga harass nila. Inilagay ang posting nila sa isang isla na tinatawag na Mactan, na kung saan nagmula sa pangalang MAKAWATAN (manakawan) which is ginawang MAK'TAN na sa kalaunan ay naging MACTAN. Tinawag iton Mactan o MAK'TAN dahil ang lahat ng dumadaang mga bapor ay pinipirata ng mga kawal ni Lapu-lapu. Lalo na ang mga Portugese na labas pasok sa bay ng Cebu, dahil walang ibang madaling madaanan ang mga ito kundi ang tanging islang ito.
Ang kasaysayan kasi, hindi sana sina Magellan ang magka-enkwentro sa pwersa nina Lapu-lapu, kundi ang mga pwersa ng mga Espanol na kolonyalista. Naisulat din sa bersyong ito na masama talaga ang mga dayuhan, para in order to convert the natives, sinusunog nila ang mga ari-arian ng mga nitibo, at ang isang pangyayari ay nang nasunog ang isang village kung saan tumutuloy ang mga Kolonyalista, sinadya nila iton sunugin at nagdrama na ang tanging nasagip nila ay ang Sto. Nino na itim, itim dahil nasunog daw, nasunog talaga pero kinuha kaagad at ipinakita na nagmimilagro talaga ang kanilang icon. Kaya namangha ang mga nitibo at unti-unting naniniwala sa mga sinasabi tungkol sa nangyaring milagro. hanggang ngayon andito pa sa Cebu ang sunog na Sto. Nino. ewan ko lang kung tunay pa ba ito.
nang, naconvert na ang mga Cebuano dito, labas pasok na ang ibang mga kolonyalista, at patuloy pa ring pinipirata nina Lapu-lapu kapag matiempohan nila ang mga malalaking bangka nila.
Nang parating na si Magellan sa Cebu alam na nila ang kalagayan tungkol dito, kaya handa na sila sa mga maaaring mangyari, ligtas sila dumating sa isla ng Cebu, sa unang biyahe niya, pero ng nalaman ni Lapu-lapu ang balita sa pagdating ng mga ibang mga dayuhang mukha, naghahanda ito ng isang giyera.
At sa umaga ng kapanahonana iyon, umatake ang mga kawal ni Lapu-lapu habang natutulog pa ang mga Kolonyalista, at sa kadahilanang mahinang makagalaw ang mga Kolonyalista dahil sa suot nilang body armor, nahihirapan silang mag-maneuver sa pag-ilag sa mga sandata ng kalaban nila.
At sabi ng bersyon na ito. Hindi mga espada katulad na nakikita natin na hawak ni Lapu-lapu ang ginamit nilang panlaban, kundi mga Clubs, Hindi kasi matatablan ng mga Espada ang body armor nila, base ito sa mga nasiunang mga labanan nila sa ibang mga Kolonyalista, kay gumawa sila ng ibang sandata na makakapagbigay ng karagdagang damage sa kanila at nagawa nila ang mga mabibigat na mga Clubs.
Nasa paborable ang labanan sa panig ng kawal ni Lapu-lapu dahil sa kanila ang elemento ng sorpresa at ang kahandaan sa pakikipaglaban. Habang asng sa mga kolonyalista naman ay andun ang hirap at pagod na nakuha nila sa pagbibiyahe.
Hindi daw sibat o pana ang nakapatay ni Magellan kundi isang kutsilyo o tinatawag sa Bisaya na Plamingko, isang mahabang patalim. At dahil ang ibang tuhan ng mga kolonyalista'y nakamaniobra patakas sa lugar ng labanan, sila na ang gumawa ng sarili nilang kasaysayan.
I dont know the real story behind it.