Ay ano bang pagkakaiba ng Anal ment sa Dibors, e pareho namang may sustento na involve sa mga bata? Spelling lang ba?
greenlyt- 03-30-2004
QUOTE (Madam Claudja @ Mar 26 2004, 07:45 AM)
Depende yan, mga sis at bro!
Kung nasa Bible man na bawal yan, I don'tt think that God will punbish those who will do divorce in a very understandable situation.
Halimbawa, sira pala ulo ng napangasawa mo, nanggugulpi, nanglalatigo pag bilog ang buwan, nasisira Ulo, e dapat hiwalayan na yan di ba bago ka Mapatay!
Ang bottom line siguro, bago mag-asawa, kilalanin mabuti ang girl o boy, sitahin ang backround.
ang kasong yan is a very good ground for annulment, so why go for divorce...
maxtomax- 03-30-2004
Di aku pabur sa Dibors, supurnahan ku kung renyuwal ng merids laysens.
aldrine- 04-09-2004
dapat may divorce, may kasabihan tayo na "tao lang, nagkakamali rin". kung nagkamali ang isang tao sa pagpapakasal, hindi naman makatarungan na pagdusahan nya habang buhay, dapat bigyan natin sila ng pagkakataon ng magbagong buhay.
mang tonio- 04-12-2004
Nako mga anak, ika nga e hangat maaari ay wala subali't may mga pangyayari na di inaasahan na kailangan e mag hiwalay. Nung nililigawan yung babae nung lalake e anghel yung lalake, nung nagsama na naging impakto!
storm- 04-12-2004
hay naku kaya nga dapat before magpakasal, mag-isip ng 100 beses or higit pa! ang simuman pinagsama ng Diyos nawa'y wag paghiwalayin ng anumang maka-lupang hangarin! Gawin na lang ang lahat para gumanda ang pagsasama at wag isipin ang paraan na makamundo... ang Diborsyo ay isang makamundong paraan upang dumami ang kasalanan ng tao.
mang tonio- 04-12-2004
QUOTE (storm @ Apr 12 2004, 05:57 AM)
hay naku kaya nga dapat before magpakasal, mag-isip ng 100 beses or higit pa! ang simuman pinagsama ng Diyos nawa'y wag paghiwalayin ng anumang maka-lupang hangarin! Gawin na lang ang lahat para gumanda ang pagsasama at wag isipin ang paraan na makamundo... ang Diborsyo ay isang makamundong paraan upang dumami ang kasalanan ng tao.
Nako po, e kawawa naman ang mga nabubugbog at pinapatay kapag gay-an, kaya nga sige, mag-isip at surveyen muna ang tao na pakakasalan nyo, baka imbes na kasalan ay sakalan ang mangyari.
DIVORCE is the best way sa philippines, marami kasi sa phil ang nag kakahiwalay na ng matagal pano kung may makita sila na mas mag mamahal sa kanya naks lalim tagalog ko ah
I'm Agree Sa DIVORCE
baklita- 04-16-2004
ika nga eh... divorce isn't always the solution to marital problems. hindi rin ako boto sa divorce... kawawa ang mga bata... at traumatic sa mag-asawa... at sa mga kabit!!
aihihihi!!!
T-Bird Rose- 04-17-2004
Kung walang divorce, malamang patay na ang tiyahin ko sa Tate. E certified baliw ang napangasawa e.
edz- 07-11-2004
wala namang ipinagkaiba ng annulment sa divorce e kung talagang pagninilaynilayin natin. Ang annulment nga lang e matagal ang proseso subalit ang divorce ay pwedeng kahit mamaya lang.
Before against ako sa divorce pero sa mga kasalukuyang henerasyon, sa tingin ko e kelangan na nga etong i-implement.
sweetheart3003- 07-21-2004
i heard na gusto nila ma approve and same sex marriage sa philippines, which mean if they really gonna have or approve it (same sex marriage) they must have a divorce too.
Mark- 12-21-2004
kaya nga dapat mong pagisipan mabuti bago ka magpakasal
JeanChry- 12-21-2004
Yeah, okay lang. Kasi tao rin naman tayo at nagkakamali... Though.. mas maganda kung mag isip ka muna bago ka magisip ng kasalan.
Forumer™ is Voted #1 Free Forum Hosting provider
Build your own community today with the largest message board hosting company.