Sa Ikalawang Samuel "Si David ay nakiapid sa babaeng may asawa" 11:1-5 At nangyari sa pagpihit ng taon sa panahon ng paglabas ng mga hari sa pakikipagbaka, na sinugo ni David si Joab, at ang kaniyang mga lingkod na kasama niya, at ang buong Israel; at kanilang nilipol ang mga anak ni Ammon at kinubkob sa Rabba. Nguni't si David ay naghintay sa Jerusalem. At nangyari sa kinahapunan, na si David ay bumangon sa kaniyang higaan, at lumakad sa bubungan ng bahay ng hari: at mula sa bubungan ay kaniyang nakita ang isang babae na naliligo; at ang babae ay totoong napakagandang masdan. At nagsugo si David, at nagpasiyasat tungkol sa babae. At sinabi ng isa, Hindi ba ito ay si Bath-sheba na anak ni Eliam, na asawa ni Uria na Hetheo? At si David ay nagsugo ng mga sugo, at kinuha siya; at siya'y pumaroon sa kaniya, at kaniyang sinipingan siya (sapagka't siya'y malinis sa kaniyang karumihan ;) at siya'y bumalik sa kaniyang bahay. At ang babae ay naglihi; at siya'y nagsugo at nasaysay kay David, at nagsabi: Ako'y buntis.
Sa Oseas "Inutusan ng Panginoon si Oseas na magasawa ng isang patutot!?! Basa!!! 1:2 Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Oseas, sinabi ng Panginoon kay Oseas, Yumaon ka, magasawa ka sa isang patutot at mga anak sa patutot; sapagka't ang lupain ay gumagawa ng malaking pagpapatutot, na humihiwalay sa Panginoon.
Ngayon, basahin ang halos karamihan ng nilalaman ng kabanata ng Ezekiel 23 23:2-3 Anak ng tao, may dalawang babae, na mga anak na babae ng isang ina, At sila'y nagpatutot sa Egipto; sila'y nagpatutot sa kanilang kadalagahan: doo'y nangahigpit ang kanilang mga dibdib, at doo'y nangahipo ang mga suso ng kanilang pagkadalaga.
23:5 At si Ohola ay nagpatutot nang siya'y akin; at siya'y suminta sa mga mangingibig sa kaniya, sa mga taga Asiria na kaniyang mga kalapit bayan. 23:8 Ni hindi man niya iniwan ang kaniyang mga pagpapatutot mula sa mga kaarawan ng Egipto, sapagka't sa kaniyang kadalagahan, sila'y sumisiping sa kaniya, at nangahipo nila ang mga suso ng kaniyang pagkadalaga; at kanilang ibinuhos ang kanilang pagpapatutot sa kaniya.
23:10-11 Ang mga ito ang nangaglitaw ng kaniyang kahubaran; kinuha nila ang kaniyang mga anak na lalake at babae; at siya'y pinatay nila ng tabak: at siya'y naging kakutyaan sa mga babae; sapagka't sila'y naglapat ng mga kahatulan sa kaniya. At nakita ito ng kaniyang kapatid na si Oholiba, gayon ma'y siya'y higit na napahamak sa kaniyang pagibig kay sa kaniya, at sa kaniyang mga pagpapatutot na higit kay sa mga pagpapatutot ng kaniyang kapatid. 23:13-14 At aking nakita na siya'y nadumhan; na sila kapuwa ay nagisang daan. At kaniyang pinalago ang kaniyang mga pagpapatutot; sapagka't siya'y nakakita ng mga lalaking nakalarawan sa mga panig, na mga larawan ng mga Caldeo na nakalarawan ng bermillon,
23:17-21 At sinipingan siya ng mga taga Babilonia sa higaan ng pagibig, at kanilang dinumhan siya ng kanilang pagpapatutot, at siya'y nahawa sa kanila, at ang kaniyang kalooban ay tinabangan sa kanila. Sa gayo'y inilitaw niya ang kaniyang mga pagpapatutot, at inilitaw niya ang kaniyang kahubaran: nang magkagayo'y tinabangan ang aking kalooban sa kaniya, na gaya ng pagkatabang ng aking kalooban sa kaniyang kapatid. Gayon ma'y kaniyang pinarami ang kaniyang mga pakikiapid, na inalaala ang mga kaarawan ng kaniyang kadalagahan, na kaniyang ipinagpatutot sa lupain ng Egipto, At siya'y umibig sa mga nagsisiagulo sa kaniya, na ang laman ay parang laman ng mga asno, at ang lumalabas sa kanila ay parang lumalabas sa mga kabayo. Ganito mo inalaala ang kahalayan ng iyong kadalagahan, sa pagkahipo ng iyong mga suso ng mga taga Egipto dahil sa mga suso ng iyong kadalagahan.
23:44 At sinipingan nila siya, na parang sumiping sa isang patutot: gayon nila sinipingan si Ohola at si Oholiba, na malibog na mga babae.
Sa Ikalawang Samuel "Si Ammon dinahasa (GINAHASA) ang kanyang kapatid na babae" 13:1-15 At nangyari, pagkatapos nito, na si Absalom na anak ni David ay mayroong isang kapatid na babae na maganda, na ang pangala'y Thamar; at sininta siya ni Amnon na anak ni David. At si Amnon ay totoong nagdamdam, na anopa't siya'y nagkasakit dahil sa kaniyang kapatid na kay Thamar; sapagka't siya'y dalaga; at inaakala ni Amnon na mahirap gawan siya ng anomang bagay. Nguni't si Amnon ay may isang kaibigan na ang pangala'y Jonadab, na anak ni Simea na kapatid ni David: at si Jonadab ay isang lalaking totoong magdaraya. At sinabi niya sa kaniya, Bakit, Oh anak ng hari, sa araw araw ay nangangayayat kang ganyan? hindi mo ba sasaysayin sa akin? At sinabi ni Amnon sa kaniya, Aking sinisinta si Thamar na kapatid ng aking kapatid na si Absalom. At sinabi ni Jonadab sa kaniya, Mahiga ka sa iyong higaan, at magsakitsakitan ka: at pagka ang iyong ama ay naparoon upang tingnan ka, sabihin mo sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bayaang ang aking kapatid na si Thamar ay pumarito, at bigyan ako ng tinapay na makakain, at maghanda ng pagkain sa aking paningin upang aking makita, at kanin sa kaniyang kamay.Sa gayo'y nahiga si Amnon at nagsakitsakitan: at nang pumaroon ang hari upang tingnan siya, sinabi ni Amnon sa hari, Isinasamo ko sa iyo na bayaang pumarito ang aking kapatid na si Thamar, at igawa ako ng dalawang tinapay na maliit sa aking paningin upang aking makain sa kaniyang kamay. Nang magkagayo'y nagsugo si David sa bahay kay Thamar, na sinasabi, Pumaroon ka ngayon sa bahay ng iyong kapatid na si Amnon, at ipaghanda mo siya ng pagkain. Sa gayo'y naparoon si Thamar sa bahay ng kaniyang kapatid na si Amnon; at siya'y nakahiga. At siya'y kumuha ng isang masa, at minasa, at ginawang mga binilong tinapay sa kaniyang paningin, at niluto na mga munting tinapay. At kinuha niya ang kawali, at mga ibinuhos sa harap niya; nguni't kaniyang tinanggihang kanin. At sinabi ni Amnon: Palabasin ang lahat na tao sa harap ko. At silang lahat ay lumabas, bawa't isa mula sa harap niya. At sinabi ni Amnon kay Thamar: Dalhin mo rito sa silid ang pagkain, upang aking makain sa iyong kamay. At kinuha ni Thamar ang mga munting tinapay na kaniyang ginawa, at mga dinala sa silid kay Amnon na kaniyang kapatid. At nang ilapit niya sa kaniya upang kanin, kaniyang tinangnan siya, at sinabi niya sa kaniya, Halika, sumiping ka sa akin, kapatid ko. At sumagot siya sa kaniya, Huwag kapatid ko, huwag mo akong dahasin; sapagka't hindi marapat gawin sa Israel ang ganyang bagay: huwag kang gumawa ng ganitong kaululan. At ako, saan ko dadalhin ang aking hiya? at tungkol sa iyo, ikaw ay magiging gaya ng isa sa mga mangmang sa Israel. Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, magsalita ka sa hari, sapagka't hindi ipagkakait ako sa iyo. Gayon ma'y hindi niya dininig ang kaniyang tinig: kundi palibhasa't siya'y malakas kay sa kaniya, dinahas niya siya, at sumiping sa kaniya. Nang magkagayo'y kinapootan siya ni Amnon na may mahigpit na poot; sapagka't ang kapootan na kaniyang ikinapoot sa kaniya ay malaki kay sa pagsinta na kaniyang isininta sa kaniya. At sinabi ni Amnon sa kaniya, Bumangon ka, ikaw ay yumaon.
Forumer™ is Voted #1 Free Forum Hosting provider
Build your own community today with the largest message board hosting company.