| QUOTE (kelot_ni_balot @ Mar 28 2004, 03:18 PM) |
| Basta ang alam ko noong pingananak tayo, may tao na sa Pilipinas..diba... |
| QUOTE (gent @ Jul 20 2004, 03:16 AM) | ||
oo nga |
| QUOTE (edz @ Jul 21 2004, 06:58 AM) |
| wow...maganda ito at nare refresh ang utak ko |
| QUOTE (kelot_ni_balot @ Jul 21 2004, 12:59 PM) | ||
Kaya nga dapat siyasating mabuti ang ating history...pano at saan tayo galing...sabi ko nga sa ibang parte ng Asia, iba rin ang history nila at may discripancies kung saan din sila galing..Sabi nga ng mga Malay...galing sila sa Pinas...and tayo naman...galing sa malay Peninsula....ano ba yan...siguro nagtawiran ng mga bangka noon..naligaw....pati mukha nagkapalitan... |
| QUOTE |
| Ang Unang Conquistador ‘AKO si Ragam, ang Sultan Bulkia sa Brunei, sa dalampasigan ng Brunei. Dalawang ulit sinalakay ng aking hukbong dagat ang Selurung na tinatawag ninyong Lusong. Ang mapaghamig na Datu Gambang na inyong pinuno ay yumao at wala na. Ako ang nagwagi at nakasakop, at ngayon, dito sa May Nilad, ako na ang sultan at inyong hari.’ Ito ang kaisa-isang ulat, ang talumpati na isinalin sa Tagalog ng batikang manunulat, si Clodualdo del Mundo, ng unang conquistador sa Pilipinas, si Paduka Sri Sultan Bulkia, matapos niyang sakupin ang Manila nuong bandang 1500, mahigit 20 taon bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas. Si Bulkia ang hari nuong 1485 hanggang 1524 ng Brunei, ang mayamang lungsod sa pulo ng Borneo. Isang princesa at anak ng sultan ng Jolo ang kanyang asawa, si Putiri Leyla Menchanai. ‘Isang princesa ng angkan ni Datu Gambang ang aking pinangasawa ngayon upang maipagpatuloy ang paghahari dito sa Pasig-an. Ang magiging anak namin ang siya n’yong gagawing Maginuo at bibigyang pitagan ukol sa pagkamaharlika ng aming lipi.’ Umaawit na magdaragat. Ipinagyabang ni Bulkia na mga ninuno niya ang dakilang Iskander (Alexander the Great), si Hassim ng Arabia na propeta ni Allah at ang mga maharlika ng India, Indonesia at Malaysia. Kinilala daw siyang makapangyarihang hari, at hinandugan ng ‘Anak ng Langit’ (Son of Heaven, ang tawag sa emperador ng China) at ginagigiliwan ng mga taga-Brunei kahit na siya ay mataas na maharlika, - pinarangalan pa raw siya ng palayaw na Nakoda Ragam, ang umaawit na magdaragat. ‘Higit sa aking pagiging hari, ipinagmamalaki ko ang tawag sa akin ng Nakoda. Karapat-dapat sapagkat walang dadaig sa akin sa pagdaragat maging sa unos at sagupa sa alimpuyo, dapat asahan sa isang katulad kong may dugong Vijaya.’ Ang dating malawak na kaharian ng Sri Vijaya sa Sumatra ang tinukoy ni Bulkia, parangal na inangkin din ng mga Sugbuanon, Ilonggo, Waray-Waray at iba pang tinatawag ngayong mga Bisaya. Ang huling habilin ni Bulkia ang nagsiwalat ng tunay niyang pakay sa pagsalakay. ‘Kaya, mga abay sa pasigang ilog ng Lusong, huwag kayong magkukulang sa aking magiging anak, ang inyong magiging hari. At huwag n’yong kalilimutang magbuwis taon-taon ng ginto para sa Brunei, tanghal ngayong pulo ng ginto.’ Hindi tunay ang salakot na ginto. Malabo at puno ng alamat ang mga unang kasaysayan ng Pilipinas, nabahiran pa ng mga huwad tulad ng Code of Kalantiyaw. Kung itong talumpati ay gawa-gawa lamang, gaya ng ati-atihan na in-invento sa Aklan nuong bandang 1950s, batay naman sa mga tunay na pangyayari, tulad ng alamat ng Maragtas. Totoong may mga datu na lumikas sa pulo ng Panay mula sa Borneo, at totoong sinikap ni Bulkia ang ng kanyang anak na palawakin ang kanilang kaharian sa pamamagitan ng pagsakop sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Kasama sa ulat ni Antonio Pigafetta ng paglakbay ni Ferdinand Magellan nuong 1521 ang pagbihag nila sa ‘anak ng hari ng Luzon’ pagkatapos nitong puksain ang Laui (Laut ang tawag ngayon), isang pulo sa banda ng Palawan. Ang ‘anak’ ang pinuno ng hukbong dagat (armada) ng Brunei, mahigit 100 parao, mga bangkang pandagat, na pumatay sa mga taga-Laui, pinugutan lahat ng ulo, dahil kumampi sa mga taga-Java at ayaw kilalanin ang sultan ng Brunei. (Inulat din ni Pigafetta na nakaharap nila ang matabang ‘hari ng Burney’ na tinawag nilang Raja Seripada, subalit malamang ang anak ni Bulkia ang nakita nila, si Paduka Seri Begawan.) Napatunayan man ang pagsakop ng mga taga-Brunei sa Manila, napatunayan ding hindi nagtagal ang kanilang paghahari duon. Nuong 1570, pagkaraan lamang ng 50 taon, si Rajah Soliman at si Rajah Laja (ang tinawag na Rajah Matanda) ang dinatnan ng mga Espanyol na haghahari sa Manila. Ang mag-tio ay kapwa anak-anak (descendants) ni Dayang Kalangitan, ang babaing pinuno ng Bitukan Manok (lungsod ng Pasig ngayon) at asawa ni Gat Lontok, nuong bandang 1450. Na babae ang pinuno, at dayang at gat ang mga parangal, - lahat ay patunay na galing sila sa mga unang tao sa Sumatra, tinawag na mga Minang kabau, at lumikas sila sa Pilipinas halos 2,000 taon sa nakaraan - bago ginamit ang mga parangal na datu at rajah sa Sumatra. Lumikas din mula sa hilaga ng Sumatra, malapit sa kasalukuyang lungsod ng Acheh, ang mga taga-Pasai na nagtatag ng kanilang baranggay, tinatawag ngayong Pasay, malapit sa Manila. Naging kilala ang Manila. Ilang libong taon nang may bara-baranggay sa baybayin ng tinatawag ngayong luok Manila (Manila Bay), ang pinaka-mainam na daungan (port) sa buong kapuluan, lalo na sa marami at hiwa-hiwalay na bukana ng ilog Pasig, mula sa malaking baranggay ng mga mangingisda sa Tundo hanggang sa mga baranggay sa butas (ng ilog, - Navotas ang tawag ngayon). Nagkalakal sila-sila sa matagal na panahong iyon subalit nanatiling kanya-kanya, kalat-kalat at hindi kilala ang mga baranggay. Ang mga katibayan (artifacts) na nahukay ng mga archaeologists, ang mga nag-agham sa mga pinagmulan ng kabihasnan, ay nagpahiwatig na unang naging masigla ang kalakal at ugnayan sa timog, sa mga kapuluan ng Sulu at Basilan, at sa kanlurang bahagi ng Mindanao, dahil sa walang puknat na lakbayang balik-balikan ng mga parao, malalaking bangkang pandagat, at palit-palitan ng mga tao mula at papunta sa mga maka-Bumbay (Hindu) na kaharian ng Sri Vishaya sa pulo ng Sumatra, at ng Majapahit sa Java naman, mula pa nuong 650, bago dumating ang Islam. Sumunod sumigla ang kalakal sa luok ng Lingayen sa Pangasinan at mga karatig baybayin (coasts) ng Ilocos mula nuong naging palagian ang pagdayo ng mga barko mula sa China pagkaraan ng taon ng 987. Nuong lamang bandang 1290, halos 800 taon sa nakaraan, nag-tagpo sa pasigang ilog ng Lusong at nagsimulang magkalakal ang mga sampan mula China at ang mga parao ng mga taga-Indonesia. Sa paglago ng ugnayan at kalakal duon mula nuon, nabuo ang malaking nayon na tinawag na May Nilad sa tabi, at kabilang panig ng ilog, ng baranggay ng mga mangingisda, ang Tundo. Ang paglago at pagyaman ding iyon ang dahilan dumating nuong bandang 1500, mahigit 200 taon lamang pagkabuo ng nayon, ang hukbong dagat ni Bulkiah, nagpapalawak nuon ng kanyang bagong kaharian sa Brunei, upang sakupin ang May Nilad. Pagtayo at pagdayo ng kapitpulo. Ang pinagmulan ng Brunei ay mga baranggay ng mga magdaragat sa bukana ng isang malaking ilog, at hindi naiba sa mga taga-May Nilad. Gaya rin ng May Nilad, walang pangalan puok o ang ilog na maliban sa Varuna, mula sa katagang bumbay (Hindu Sanskrit) na may kahulugang ‘dito nga’ o ‘ito ang puok.’ Ang mga tao ay ipinahiwatig ng kakabit na titik na ‘i’ at tinawag na mga Varunai, o ‘ang mga tao sa puok’ (hawig sa ‘i loko’ o mga tao sa luku, o sa ‘i valon’ na lumang tawag sa mga taga-Bicol). Tawag na naging Brunai o Brunei at ginamit na pangalan ng kanilang ilog at mga baranggay. Salitang bumbay din ang tawag sa mga unang pinuno nila, Sang Aji (ang hari), pahiwatig ng matibay na pagka-Buddhist ng mga unang magdaragat, pagsamba mula sa India na lumawak sa iba’t ibang kaharian sa buong silangang timog dahil sa masiglang kalakal, tumagal nang halos 1,000 taon, ng mga tagaruon sa mga kaharian sa timog India. Ang kalakal mula sa Arabia at China ang nagdala ng kapalit na pagsamba ng Islam sa silangang timog at, para sa mga Brunei, ang yaman at lakas ng nagdidigmaang mga kaharian sa paligid. (Ang pinagmulan at kabihasnan sa mga paligid ng Pilipinas ay paksa ng Kahariang Kayumanggi na ilalagay sa website na ito sa mga darating na panahon.) Sa pagyaman, lumaki ang kapangyarihan ng Brunei at mula nuong 1363, pinalawak nila ang kanilang mga saklaw hanggang naabot nila ang Palawan at kanlurang timog (southwest) ng Pilipinas, ang mga kapuluan ng Sulu, Basilan at Mindanao. Mula pa nuong bandang 1310, mayroon nang baranggay ang mga Muslim sa Sulu, itinatag ng mga taga-ibang bayan na tumira at nag-asawa ng mga tagaruon upang maka-familia ng mga pinuno at kilalang angkan duon. Kabilang sa kanila sina Tuan Mashaika at Tuan Magbalu (tinawag ding Makbalo), mga pinuno ng pagsibul ng Islam sa Sulu. Isa dayuhan din, si Hasim Abu Bakar, anak ng isang Arabi mula sa Hadramaut at ng isang princesa ng Johore sa tinatawag ngayong Malaysia, ang nagtanghal sa sarili bilang unang hari ng Sulu nuong 1450 at inari ang 5 parangal - paduka, maulana, mahasiri, sharif at sultan. Marami ring parangal si Paduka Sri Sultan Bulkia ibn el Marhum Sultan Sulaiman na dumating at nasaklaw ang Sulu pagkaraan ng 50 taon nang napangasawa niya si Putiri Leila Menchanai, ang anak ng sultan ng Sulu nuon. Mula duon, nagtungo si Sultan Bulkia sa Lusong (Selurung) upang lusubin ang May Nilad. Ang Ika-2 Conquistador HINAYAG ni Alfonso Albuquerque ng Portugal na nuong salakayin niya ang kaharian ng Melaka (Mei Laka, tinawag na Malacca ng mga Espanyol) nuong 1511, dinatnan nilang nagkakalakal duon ang 2 parao mula sa kapuluang tatawaging Pilipinas sa mga darating na panahon. Ang magilas na ugnayang ipinahiwatig nito ang magiging landas ng pangalawang pagsakop sa kapuluan pagkaraan ng 5 taon lamang. Si Sultan Mahmud Shah, ang hari ng Melaka na tinalo ni Albuquerque, ay sumalakay nuong 1511 din, katulong ang isang datu, si Uti-muti Rajah, upang agawin muli ang Mei Laka subalit nagapi sila. Tuluyan nang umurong ang mga maharlika ng Melaka sa timog (south) ng tinatawag ngayong Malaysia at sa baranggay ng Johore, malapit sa Singapore, itinatag ang kanilang kaharian. Duon sila nag-ipon ng lakas upang bawiin muli ang Melaka. Nakatakas sa Johore kasama ng sultan ang maharlikang angkan na kinabilangan ni Mohammad Kabungsuwan (ang bunso, the youngest sa English). Duon, nabalitaan nila ang pagtatag ng mga mukdumin, ang mga misionaryong Muslim, mula sa Johore ng sariling kaharian sa kapuluan ng Sulu. Nahayag din na nabigo ang tangka ng mga taga-Sulu na palawakin ang kanilang kaharian sa Basilan at sa tinatawag ngayong Zamboanga. Bagaman at matagal nang narating ng mga mukdumin, malamig ang mga tagaruon sa mga taga-Sulu na mga Tausug, ang matagal na nilang kalaban. Maniwaring matalik ang kaharian ng Sulu sa Brunei, ngunit hindi sa mga taga-silangan. Nakita ni Kabungsuwan na pagkakataon ito upang makapagtatag siya ng kaharian sa malaking pulo na tatawaging Mindanao. Mula sa Johore, sa Malaysia, maraming kasamang mandirigma si Kabungsuwan nang maglayag papuntang kapuluan nuong 1515. Dumaan muna sila sa kapuluan ng Tawi-Tawi upang magsama ng mga tagaruon, ang mga Sama, na nagsilbing mga gabay patungo sa mga Maguindanao. Subalit, sa halip, sa mga kaibigan nilang mga Ilanan (tinawag ding Iranun) nagtuloy ang malaking pangkat ng mga Sama sa baranggay ng Malabang, bahagi ngayon ng Lanao del Sur. Walang bagay dahil magkakampi ang mga Ilanan at mga Maguindanao, sa baranggay ng mga Ilanan sa Slangan unang itinatag ni Kabungsuwan ang kanyang kaharian. Sa kalapit na libis ng Pulangi (Pulangi Valley), sa tabi ng ilog na tinawag ding Pulangi ang malaking angkan ng mga Maguindanao. Lawak sa buong kalagitnaang Kuta Bato (Cotabato ang tawag ngayon) ang mga taong kawika at kauri nila, na tinawag ding mga Maguindanao. Nang maging asawa ni Kabungsuwan ang isang princesa ng mga Maguindanao, si Putri Tunoma, inilipat niya nuong 1516 ang pusod ng kanyang kaharian sa Pulangi (North Cotabato) sapagkat higit na marami ang mga Maguindanao kaysa sa mga Ilanan. Mula nuon, kinilala ang mga Maguindanao bilang mga pangunahing Muslim sa pulo na ginawaran ng kanilang pangalan, Mindanao. Ang mga Ilanan din ang nagdala ng Islam sa kanilang mga kakampi, ang mga Maranao, sa lawa ng Lanao (Lake Lanao). Karibal ng sultan ng Buayan. Samantala, ang malakas ding angkan ng mga Buayan, kawika at kauri ng mga Maguindanao, ay nasa baybayin ng luok Sarangani (Sarangani Bay) sa tabi ng ilog Buayan na nuon ay tinatahanan ng maraming buwaya (crocodiles). Bagaman at karibal ng mga Maguindanao, nasakop din ang mga Buayan, nagtatag ng kanilang sarili at kahiwalay na kaharian (sultanate) matapos mapangasawa ng isang princesa nila ang anak ni Kabungsuwan. Kaiba sa inasahan, naging matalik ang mga kaharian ng Maguindanao sa kaharian ng mga Muslim sa Ternate, hindi sa kaharian sa Johore. Hindi nagtagal, ang matagal nang daigan ng mga Buayan at mga Maguindanao ay sumabog sa matagal na digmaan, inabutan pa ng mga Espanyol, at hindi naawat kundi pagkaraan ng halos 100 taon, nuong maging sultan si Kudarat (tinawag na Corralat ng mga Espanyol) nuong 1616. Nagbuklod ang 2 pangkat upang sagupain ang pagsakop ng mga Espanyol. (Ang mahabang digmaan ng mga Espanyol at mga Muslim sa Pilipinas ay isinusulat sa Moro-Moro at ilalagay sa website na ito sa mga darating na araw.) |
| QUOTE (edz @ Jul 11 2004, 01:07 PM) |
| as far as i can remember...mga aetas |
| QUOTE (kelot_ni_balot @ Jul 20 2004, 07:10 AM) | ||||
Ako ewan ko....kung galing tayo sa mga ita...bakit derecho ang buhok ko...matangkad...singkit...matangos ang ilong...at medyo maputi.... :dibah: di naman basta sumingaw lang ang Pinoy Basta noong dumating sina Magellan dito marami nang tao....may Intsik...Japon...Vietnamese...Koreano...Negro...Indiano...Arabo.... Ang religion ng Pinas noon....Pagano (Animist) at Muslim, at Hindu at mga Buddhist lang..wala pang Christiano....Thanks to Raja Humabon...kinilala ang Christianism... Basta ang alam ko ang tatay ng tatay ko...me pagka - Kastilaloy...ang nanay ng Tatay ko...me pagka-Intsik....Ang nanay side ko...ganoon din.... Kung galing tayo sa ita..e di ita na tayong lahat....esep-esep :blah: |
| QUOTE (edz @ Aug 7 2004, 09:32 AM) | ||
*totoo kaya ito???
|