| Site Home |
Help
Search
Members
Calendar
|
| Welcome Guest ( Log In | Register ) | Resend Validation Email |
|
|
| Pages: (4) [1] 2 3 ... Last » ( Go to first unread post ) | ![]() ![]() ![]() |
![]() |
Alam Nyo Ba?, Knowledge Power ni Ka Ernie
|
![]() |
| edz |
Posted: September 23, 2004 09:29 am
|
![]() Super Poster Group: Moderators Posts: 32243 Member No.: 513 Joined: March 06, 2004 |
Pyramid rover
Apat na libo at limang daang taon na ang nakakaraan, isang lihim ang itinago sa Great Pyramid of Giza sa Egypt. Ngunit sa ika-21 siglo, nabuksan na ang sikretong ito. Ang Great Pyramid of Giza ay libingan ni Khufu, ang ikatlong pharaoh ng ikaapat na dinastiya ng Egypt. Mayroong dalawang malaking chambers ang pyramid: ang King's Chamber at Queen's Chamber. Sa queen's chamber, naroon ang isang lagusan na matagal na pinaniniwalaang papunta sa isa pang chamber na naglalaman ng sekreto ng matandang karunungan ng Egypt at ng mga pyramid. Nitong Setyembre 2002, sa harap ng milyon-milyong manonood sa telebisyon, nangyari ang matagal nang pangarap ng mga siyentipiko. Isang robot, ang Pyramid Rover, ang pumasok sa lagusan hanggang makarating sa nakaharang na batong tila maliit ding pinto. Matapos butasan ang harang na bato, ipinasok ng pyramid rover ang maliliit na kamera nito. Makapigil-hininga ito para sa mga archeologist dahil sa wakas, ang lihim ng mahigit 4,000 taon ay malalantad na. Ngunit laking-gulat nila nang matuklasang isa pang batong pinto ang nakaharang sa lagusan. Kung ano pa ang nakatago sa likod ng ikalawang harang na iyon ay siya namang sisikapin na alamin ng mga archeologist sa mga susunod pang proyekto. Sa ngayon, mananatili pa ring lihim ang sikreto ng Great Pyramid of Giza. -------------------- "Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down."
-- Oprah Winfrey on friendship |
| edz |
Posted: September 23, 2004 09:30 am
|
![]() Super Poster Group: Moderators Posts: 32243 Member No.: 513 Joined: March 06, 2004 |
Mona Lisa
Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagtatanong: Sino nga ba si Mona Lisa? Si Mona Lisa ang isa sa pinakatanyag na obra na likha ni Leonardo da Vinci. Batay sa aklat na Vasari's Lives of the Artists na nalathala noong 1550, sinimulan ni da Vinci ang pagpinta sa Mona Lisa noong 1503 at natapos noong 1507. Ipinagawa ang larawang ito ng isang mayamang negosyante, si Francesco di Bartolomeo del Giocondo. Ayon sa paniniwala, ang ikatlong asawa ni del Giocondo na si Lisa di Antonio Maria Gherardini ang tunay na mukha na pinagkopyahan ng Mona Lisa. Ngunit sa isinagawang pagsusuri ni Dr. Lilian Schwartz, isang dalubhasa sa computer graphics, ang mukha ng Mona Lisa ay hango mismo kay da Vinci. Ani Schwartz, perfectly-aligned ang facial features ni da Vinci at ng Mona Lisa. Ito, aniya, ang dahilan kung bakit hindi ibinenta ni da Vinci ang Mona Lisa. Pahayag naman ng historian na si Rina de Firenze, maaaring ang Mona Lisa ay ang ina ni da Vinci. Para sa kanya, ito ang dahilan kung bakit pareho ang facial features ni da Vinci at ng Mona Lisa. -------------------- "Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down."
-- Oprah Winfrey on friendship |
| edz |
Posted: September 26, 2004 09:32 am
|
![]() Super Poster Group: Moderators Posts: 32243 Member No.: 513 Joined: March 06, 2004 |
Alam N'yo Ba?: Shampoo
Marahil ay talagang nakapagtataka kung bakit may mga tao na matagal kung maligo. Wika nga, marahil ay malinis lang ang mga tao na ito sa kanilang pangangatawan. Ang iba naman, sa pagsa-shampoo pa lang ng buhok, umaabot ng 10 minuto bago ito mabanlawan. Ngunit ano at saan nga ba nagmula ang salitang "shampoo?" Ang salitang shampoo ay mula sa salitang Hindu na "champo." Ibig sabihin nito ay "to massage." Noong dekada '30, sinaliksik ni John Bbreck ang kauna-unahang shampoo na ipinakita sa publiko. Mahusay ang shampoo na ito para sa tuyo at malangis na buhok. Lalo pang sumikat ang shampoo na ito nang lumabas ang patalastas ng "Breck Girls" na kinabibilangan ng mga kilalang bituin sa Hollywood na sina Kim Basinger, Brooke Shields, Jaclyn Smith at Cybil Shepherd. Noong ng 1950s, "egg shampoo" naman ang sumikat kasabay din ng paggamit ng Jojoba hot oil treatment. Nakapaloob sa treatment na ito ang sumusunod na komposisyon: 80-90% tubig, 2-8% detergent at foaming agent at 1% fragrance. -------------------- "Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down."
-- Oprah Winfrey on friendship |
| edz |
Posted: September 26, 2004 09:39 am
|
![]() Super Poster Group: Moderators Posts: 32243 Member No.: 513 Joined: March 06, 2004 |
Health Tips ni Ka Ernie: Kidney stones
Karaniwan na ang kidney stones o bato sa bato. Sa madaling salita, impeksyon sa bato. Maituturing man na malubha ang sakit na ito, mayroon namang healing iet na maaaring gawin pang ito ay maalis. Mabisa ang pag-inom ng sabaw ng buko. Dapat ding magkakain ng citrus fruits tulad ng dalandan, lemon at kalamansi ang may karamdamang ganito. Samahan pa ng mga prutas tulad ng mangga, melon, pakwan at peras ang nabanggit na healing diet upang matiyak ang lunas sa sakit. Bukod sa madaling malusaw ang bato sa bato ng mga pagkaing ito, mapapababa rin ng mga nabanggit na prutas ang cholesterol count ng pasyente. Inirerekomenda rin ang pagkain ng citrus at iba pang prutas sa mga may sakit sa puso at may alta-presyon. Sa mga gulay naman, mahusay sa bato sa bato ang malunggay, asparagus, carrots, broccoli, talbos ng kamote at dahon ng ampalaya. Makakatulong ang mga ito upang matanggal ang impeksyon sa kidney. Sa mga halamang gamot, subok na ng mga dalubhasa ang pinaglagaan ng dahon ng sambong, buhok ng mais at ugat ng damong cogon. Panatilihin din ang pag-inom ng maraming tubig araw-araw. Sa mga mayroong urinary tract infection, mainam ang "natural antibiotic" tulad ng pinaghalong honey at bawang. Uminom ng isang kutsara nito tuwing matatapos kumain. -------------------- "Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down."
-- Oprah Winfrey on friendship |
| edz |
Posted: September 26, 2004 09:42 am
|
![]() Super Poster Group: Moderators Posts: 32243 Member No.: 513 Joined: March 06, 2004 |
Landforms
Mahigit sa 7, 000 ang mga pulo sa Pilipinas. Mula Luzon hanggang Mindanao, ang mga islang ito ay may kanya-kanyang misteryo na itinatago. Sand dunes - Sa Ilocos Norte mistulang disyerto sa Gitnang Silangan ang sasalubong sa mga dayuhan. Pero hindi ito disyerto. Ito ang sand dunes ng Ilocos Norte na makailang beses na itinampok sa mga pelikula. Ayon sa mga experto, ang pagkabuo ng sand dunes ay sanhi ng malalakas na ihip ng hangin na siyang tumatangay sa buhangin patungo sa lugar na ito. Anila, maaaring sa mga ilog sa lalawigan nagmula ang mga buhangin na bumabagsak sa baybaying dagat. Pagkalipas ng mahabang panahon, naipon ang mga buhangin sa mga lugar na bahagi ng sand dunes. Nagsimulang mabuo ang sand dunes may 40 milyong taon na ang nakakaraan. Salt springs - Nakakita na ba kayo ng bundok na nababalutan ng asin? Mayroon dito sa Pilipinas niyan at matatagpuan sa lalawigan Nueva Vizcaya. Ito ang tinaguriang "Salinas salt springs" sa bayan ng Bambang. Sa unang tingin, aakalain na may natatakpan ng yelo ang tuktok nito. Pero ang totoo, ang maputing bahaging ito ng burol ay asin. Ngunit ang asin na ito ay hindi tulad ng ordinaryong pampalasa na ginagamit sa pagluluto. "Travertine" ang tawag sa salt mineral na ito na nagmumula sa bukal na dumadaloy sa burol. Binilang ang daan libong taon bago nabuo ang salt spring. Pero ngayon, ang dating ningning at puti ng asin sa burol ay nawawala na. Ayon sa mga experto, ito ay bunga ng pagkaubos ng mga puno sa paligid ng bukal. Ito ang dahilan kung bakit mahina na ang daloy ng tubig na pinagmumulan ng asin. Samantala, ang malakas na lindol noong 1990 ang hinihinalang dahilan ng pagbabara ng daluyan ng tubig. Tinacos - Sa bahaging timog ng Pilipinas, mayroon ding kamangha-manghang mga kwento ang mga isla ng bansa. Sa baybayin ng Magallanes, Sorsogon sa rehiyon ng Bicol, isang isla ang sinasabing pugad ng misteryo. Ito ang isla ng Tinacos. Ayon sa alamat, ang islang ito ay dating barko na tumaob sa lugar. Sa ilalim nito, sinasabing nalibing nang buhay ang mga pasahero ng barko. Totoong hitsurang barko ang isla pero higit itong hawig sa isang modernong sasakyang dagat kaysa sinaunang barko. Ngunit ayon sa mga dalubhasa, ang kakaibang hugis ng isla ng Tinacos ay gawa ng kalikasan. Kapuna-puna ang rock formation sa isla na tila sinukat at ginawa ng kamay ng tao. Mistulang fossil ang isang bahagi ng isla at sa paligid may mga bato na mistulang kinakalawang. Bong's Peak - Sa isla ng Lo-ok sa karagatan sa pagitan ng Leyte at Cebu, isang uri ng masa ng lupa ang naging dahilan ng pagkabahala ng mga residente. Ang pangamba nila, isa itong bulkang tumubo sa ilalim ng dagat. Nagsagawa ng pagsusuri sa "Bong's Peak" ang mga kinatawan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology upang alamin kung totoong bulkan ito. Pinag-aralan din nila ang nakolektang mga bato at ilang dakot ng lupa na dala ng sumisid na mga diver. Matapos ang mga pag-aaral, pinawi nila ang pangamba ng mga residente dahil walang nakitang bakas na ang Bong's Peak ay isang bulkan. Naniniwala ang mga siyentipiko na isa lang itong nabuong masa ng korales sa ilalim ng dagat. Isla de gigantes - Sa Iloilo, may isang masa ng lupa na tinatawag na Isla de Gigantes. Ganito ang itinaguri sa islang ito dahil, ayon sa alamat, noong unang panahon pawang mga higante ang naninirahan dito. Patunay umano rito ang nadiskubre na sinaunang uri ng mga ataol sa mga kweba ng isla. Pero paliwanag ng mga archeologist, ang nadiskubreng mga ataol ay hindi pinaglibingan ng iisang bangkay lang. Ayon sa mga dalubhasa, ang mga ataol na ito ay pangalawang sisidlan lang ng bangkay. Nabatid na kostumbre sa lugar na ilibing sa ikalawang pagkakataon ang kalansay ng bangkay matapos itong maagnas sa unang ataol. -------------------- "Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down."
-- Oprah Winfrey on friendship |
| edz |
Posted: September 27, 2004 09:48 am
|
![]() Super Poster Group: Moderators Posts: 32243 Member No.: 513 Joined: March 06, 2004 |
Gallery: Animal instinct
Naitanong n'yo na ba sa inyong mga sarili kung bakit sa kabila ng napakalayongdistansya, nakababalik at nakababalik pa rin ang kalapati sa bahay niya? Kahit na ilang beses na iligaw ang kuting, magugulat ang tao na nagligaw dito dahil agad nakababalik ang hayop sa bahay? Ano nga ba ang mayroon sa mga hayop at hindi sila nalilinlang pagdating sa direksyon? Kapag ang tao ang naligaw, pilit niyang inaalala ang nadaanang mga palatandaan upang makabalik sa pinanggalingan. Pero sa kaso ng hayop, ang mga ito ay may kakaibang navigational system. Ito ang kakayahan nilang makabalik sa lugar na kinilala nilang tahanan tulad ng aso, pusa at iba pa. Ang navigational system na ito ay magagamit sa paglalakbay ng hayop mula sa pinakamalapit na limang milya hanggang sa 5, 000 milya o higit pa. Ayon sa mga siyentipiko, nagagawa ng mga hayop na maramdaman ang mga palatandaan na nagsisilbing giya sa kanilang pagbabalik. Ang mga elemento ng kalikasan tulad ng hangin, dagat, kabundikan, tunog at magneto ng lupa ang maaaring magturo sa kanila ng exaktong direksyon. Ang mga bubuyog, halimbawa, ay nagagawang bumalik sa beehive gamit ang gabay ng bituin, araw at buwan. Ang mga isdang salmon ay bumabalik sa lugar ng kanilang pinagsilangan sa pamamagitan ng amoy ng tubig. Sa sobrang lakas ng kanilang homing instinct, lalakbayin ng salmon ang libo-libong milya ng dagat at kokontrahin ang malakas na agos ng ilog makaakyat lang sa kanilang lugar pangitlugan. Ang "distinct homing behavior" ng mga hayop ang kanilang kakayahan na tukuyin ang direksyon na iba sa kakayahan ng tao. Limang beses ang lakas ng katangiang ito ng hayop kumpara sa tao. Ayon sa ginawang pag-aaral at mga experimento ni Yasuo Harada ng Hhiroshima University sa Japan, may mga bakas ng mineral na iron sa otolith, o panloob na tainga ng ilang mga hayop, partikular sa mga ibon at isda. Ang otolith organs ay nagbibigay sa mga hayop ng horizontal at vertical sense. Ang iron sa kanilang inner ear ang nagsisilbing compass upang maramdaman ang ang natural na magnetismo ng mundo. Ang magnetized cells sa kanilang utak ay nakakatulong din upang malaman ang timog at hilaga. Magkakaiba ang antas ng kakayahan ng hayop sa pag-alam sa magnetic field ng mundo. Pero pinakamalakas ang antas nito pagdating sa kalapati. Kamakailan, nagpakawala ang Bagong Silang Racing Pigeon Association ng 1, 000 mga kalapati sa Calauag, Quezon. Umalipuyo ang mga ibon at nagpa-ikot-ikot, tila naghahanap ng direksiyon. Ilang sandali pa, tuluyan na silang nawala sa kalangitan. Samantala sa Bagong Silang, Caloocan, isa-isang nagdatingan ang mga kalapati. Ang biyaheng tinatahak ng kotse ng anim na oras, ginawa ng mga ibon sa loob lang ng dalawang oras. -------------------- "Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down."
-- Oprah Winfrey on friendship |
| kulit |
Posted: September 27, 2004 06:07 pm
|
![]() Hall of Famer ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() Group: Members Posts: 1303 Member No.: 938 Joined: May 03, 2004 |
gling mo
-------------------- To love someone deeply gives you strength. Being loved by someone deeply gives you courage.
http://www.youtube.com/watch?v=IHw_bBlvJq8 Time is Too slow for those who wait, Too swift for those who fear, Too long for those who grieve, Too short for those who rejoice, But for those who love, Time is eternity. |
| edz |
Posted: September 28, 2004 08:45 am
|
||
![]() Super Poster Group: Moderators Posts: 32243 Member No.: 513 Joined: March 06, 2004 |
si ka ernie ang magaling -------------------- "Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down."
-- Oprah Winfrey on friendship |
||
| edz |
Posted: September 30, 2004 09:00 am
|
![]() Super Poster Group: Moderators Posts: 32243 Member No.: 513 Joined: March 06, 2004 |
Daga
Sa mga karaniwang bahay at gusali, ang daga ay iniiwasan at kinatatakutan. Bukod sa mabaho, nagdadala din ng sakit ang mga daga. Pero alam n'yo ba na hindi lahat ng daga ay marumi at may dalang sakit? Sa katunayan, ang ilan sa mga ito tulad ng guinea pig o dagang kosta ay maaaring gawing house pet tulad ng aso at pusa. Ang mga daga ay kabilang sa order ng rodentia o mas kilala bilang rodents. May 1,800 species ng rodent at sila ang may pinakamalaking grupo sa mamalian order. Kabilang sa order na ito ang mice o bubuwit, squirrels, porcupines at guinea pig. Magkakaiba lang ang kinabibilangan nilang pamilya. Ang mga daga ay kabilang sa pamilya muridae. Pitumpung milyong taon na ang nakakaraan nang una silang lumitaw sa mundo. Kung tutuusin, di hamak na mas nauna pa silang nabuhay kaysa tao. Sa kasalukuyan, tatlo ang pinakapopular na daga na nakikita ng tao araw-araw. Ito ay ang Mus musculus o dagang bahay, Rattus tiomanicus o dagang-bukid at Rattus norvegicus o dagang siyudad. Ang dagang bahay at dagang siyudad ay nagtataglay ng mga bacteria na delikado sa tao. Ito ang mga dagang dapat iwasan dahil sa sakit na leptospirosis na nakukuha sa natuyong ihi at dumi ng daga. Sa kasaysayan, daga rin ang nagdala ng salot sa Europa noong 430 B.C. nang kumalat sa Athens ang bubonic plague na mula sa mga black rat o Rattus rattus. Namatay ang libo-libong tao o halos kalahati ng populasyon ng sinaunang Gresiya dahil sa sakit na likha ng yersina pestis bacteria. Ngunit sa kasaysayan din, ang pagkalat ng salot mula sa daga ay hindi naging hadlang para sa ibang bansa upang bigyang halaga ang mga daga. Sa India, sinasamba ng mga Hindu ang daga dahil sa paniniwalang ang kanilang dios na si Ganesha ay nakasakay sa isang daga. Pinatayuan pa ito ng isang templo na tinawag na deshnoke. Sa bansang Hapon at sinaunang Roma, ang daga ay simbulo ng kayamanan. Nirerespeto naman ng mga Chino ang daga dahil sa pagiging matalino nito. Daga ang pinakauna sa zodiac ng mga Intsik. Samantala, napatunayan ng mga dalubhasa na talagang matalino ang mga daga. Dahil dito, naging tampok sila sa mga tema ng pelikula. Nandiyan si Mickey at Minnie Mouse, ang wais na daga sa pelikulang Mouse Hunt, at ang Stuart Little. Mabilis ang pagdami ng mga daga. Ang isang babaeng daga ay maaaring magkaroon ng hanggang 84 na anak. Karaniwan, tumatagal ang kanilang buhay ng hanggang limang taon. Cannibal din ang ilan sa kanila dahil pinapatay at kinakain ang kapwa daga. Sa ngayon, nagagamit ang mga daga sa laboratoryo sa pamamagitan ng pagsubok kung tatalab ang isang uri ng gamot. Ginagawa ito dahil ang rat genome ay halos kapareho ng sa tao. Nagtataglay sila ng 3 billion base pairs ng DNA. May mga daga naman na sa halip na makapaminsala ay nakatutulong pa upang masugpo ang pagdami ng mga bulate sa bukid. Ito ang Crotomys whiteheadi. Iba't iba rin ang gustong pagkain ng mga daga. Palay ang kinakain ng dagang bukid samantalang paborito naman ng dagang bahay ang keso at basura ang pagkain ng dagang siyudad. Ngunit kung minsan, nakikinabang din ang mga tao sa daga dahil kung sobra na ang kanilang populasyon, diretso sa kawali ang kawawang mga daga, iyong nga lang, partikular ito sa dagang bukid. -------------------- "Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down."
-- Oprah Winfrey on friendship |
| Madam Claudja |
Posted: September 30, 2004 09:32 am
|
![]() REYNA NG MGA PALENGKERA Group: Moderators Posts: 2674 Member No.: 6 Joined: February 03, 2004 |
Keep on postings, reference ng anak ko to.
-------------------- I LOVE U ALL!
|
| KAPE |
Posted: October 01, 2004 12:28 am
|
![]() Super Poster Group: Moderators Posts: 11476 Member No.: 20 Joined: February 04, 2004 |
sarap magbasa
|
| KAPE |
Posted: October 01, 2004 01:02 am
|
![]() Super Poster Group: Moderators Posts: 11476 Member No.: 20 Joined: February 04, 2004 |
Mactan Myth
There is no historical evidence that Lapu-Lapu killed Ferdinand Magellan in a one-on-one duel during the Battle of Mactan on April 27, 1521. Nothing of the sort was was never mentioned by Antonio Pigafetta, chronicler of the Magellan expedition and the lone available source on the subjects. His account: Magellan was hit first on the right leg by a poison arrow, then on the arm by a bamboo spear while a bolo slashed his left leg. When he fell, a swarm of attackers finished him off with a hail of hacks and stabs. |
| KAPE |
Posted: October 01, 2004 01:10 am
|
![]() Super Poster Group: Moderators Posts: 11476 Member No.: 20 Joined: February 04, 2004 |
There is no pancit Canton in Canton, and no lumpiang Shanghai in Shanghai.
Chop suey is not a native Chinese dish. It originated in the late 19th century in a California camp where the Chinese cook simply threw together what he had left over and called it 'chop suey', a phonetic transliteration of the Cantonese tsa sui, which means something like "odds and ends". The typical Filipino breakfast is not tapsilog (tapa, sinangag and itlog). It's kankamtuy: kanin, kamatis and tuyo. |
| KAPE |
Posted: October 01, 2004 01:24 am
|
![]() Super Poster Group: Moderators Posts: 11476 Member No.: 20 Joined: February 04, 2004 |
Rizal as "Doctor"
Jose Rizal's "doctor" title does not refer to a doctorate as most people tend to think. For some reason, he was not able to take the examination that would have qualified him for a doctorate. Rizal did have a licentiate in medicine and so was allowed to practice in the profession. |
| edz |
Posted: October 04, 2004 12:32 pm
|
![]() Super Poster Group: Moderators Posts: 32243 Member No.: 513 Joined: March 06, 2004 |
Camera
Kung ngayon ay madali nang gumamit ng mga automatic still camera, paano kaya noon? Ang unang litrato ay kinunan ng Pranses na si Joseph-Nicephore Niepce noong 1827. Dahil wala pang developing paper noon, sa pewter plate niya inilagay ang images na ito. Gumamit siya ng bitumen at asphalt upang lumabas ang images. Makaraang mamatay si Niepce noong 1833, ipinagpatuloy ng imbentor na si Danguerre ang paggamit ng camera. Sa panahong ito lumabas ang pinakaunang commercial camera noong 1837 na tinawag na "daguerreotype." Ang mga larawang kuha ni Danguerre ang tinaguriang kauna-unahang matagumpay na litrato. Natuklasan naman ni Henry Fox Talbot ang paggamit ng negative-positive process. Inilagay ni Talbot ang plate sa isang kahon na may mercury hanggang sa mabuo ang images. Hanggang ngayon ay may gumagamit pa rin ng ganitong proseso. Ang imbentor na Amerikanong si George Eastman ang nagpakilala ng easy-to-use Kodak camera noong 1888. Siya rin ang nakatuklas ng unang roll films. Taong 1861 naman nang magsimula ang experimento sa color photography sa pamamgitan ni James Clerk Maxwell. Ipinagpatuloy ito ng magkapatid na Auguste at Louis Lumiere noong 1907. Potato starch o gawgaw na kinulayan ang unang ginamit upang malagyan ng kulay ang litrato. Sa ngayon, hindi na kailangan pang gumamit ng gawgaw sa mga colored picture dahil nagagawa na ito sa mabilis na proseso gamit ang processing machine. Sa pagpasok ng dekada '90, dumating ang pinakabagong paraan upang mabilis na mai-print ang mga litrato. Ito ay sa pamamagitan ng bagong digital camera na pwedeng ikonekta sa personal computer. Naimbento naman ng kompanyang Canon ang kauna-unahang card photo printer. Sa loob lang ng ilang segundo pwede nang makuha ang litrato. Mayroon itong built-in charge couple device kaya hindi na kailangang gumamit pa ng film. Ikakabit lang dito ang compact flash memory card at pwede na itong magamit sa matagal na panahon. Bentahe din sa digital camera ang pagkakaroon ng optical at digital zoom. Bukod dito, pwede pang retokehin ang hitsura ng kukunan sa litrato gamit ang computer o kaya naman ay pumili ng gusto mong background. Mayroon din itong movie mode na may sound capture function kaya pwede mo itong ikonekta sa telebisyon upang ma-preview ang mga kuhang litrato. Ito ngayon ang mukha ng camera -- ang produkto ng mahigit 200 taong kasaysayan ng litrato. -------------------- "Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down."
-- Oprah Winfrey on friendship |
Pages: (4) [1] 2 3 ... Last » |
![]() ![]() ![]() |